Search for Fillipino Article

Custom Search

Saturday, February 23, 2008

Unfinished Story… Takatak! by Jozanne Barbara Julag-ay, IV-A

“Tak! Tak! Tak!”
“Candy kayo dyan, candy, yosi, yosi!” sigaw ng isang babaeng takatak vendor na naka-jersey, sumbrero, maong pants at may nakasabit na twalya sa balikat, sa labas ng bus habang pumapasok ang mga pasahero.
“Miss, yosi nga!” sabi ng isang mataba, di gaanong matangkad at maitim na lalaki. “Ang ganda mo ah! Gusto mo ba ng trabaho? Mas malaki ang sweldo dun. Triple ng kinikita mo,” dagdag pa nito.
“Ow, hindi nga? Baka naman ilegal yan, ha?!” nagdududang sabi ng babae.
“Hindi! May bago kasi akong resto sa Makati at naghahanap ako ng mga waiter at waitress. Kailangan ko ng mga may pleasing personality gaya mo. P10, 000 per month, bukod pa ang costumers’ tip. Ano?” pagpapaliwanag ng lalaki.
“Sige po. Susubukan ko,” sagot ng dalaga.
“O! Eto ang calling card ko at eto ang address ng restaurant. Sige! At baka maiwanan ako ng bus!” huling sabi ng lalaki.
Kinahapunan, umuwi na ang dalaga. Sa isang karinderya ay naroon ang kaibigan niyang si Bong.
“Oy! Jhong! Daan ka muna dito, libre kita!” pagyayakag ni Bong.
“Repa, may bagong trabaho na akong mapapasukan. Waiter ng restaurant sa Makati,” masayang sabi ni Jhong.
“Waiter? Waitress kamo! Hahaha…” pagbibiro ni Bong ngunit bigla itong napatigil. “Eh di bihira na tayo magkikita?” malungkot na wika ni Bong.
“Ano ka ba? Uuwi naman ako araw-araw. Sige na,” pagpapaalam ni Jhong na tinapik pa ang batok ng kaibigan.
“Bakit ba may gano’n pa? Geh! Ingat!” pagpapaalam din ni Bong na ipinagpatuloy na ang pagkain.
Tinanggap na nga ni Jhong ang trabahong inialok sa kanya. Matapos ang dalawang linggo ay nagsimula na siya at binigyan na kaagad siya ng paunang bayad.
“O, eto ang uniporme mo! Kailangan lagi kang malinis at presentable ha! Pano? May pupuntahan pa akong meeting. Anumang oras ngayon pwede ka nang magsimula, Jhoana!” paalala ng matabang lalaki.
“Jhong na lang po! Ang sagwa po kasi ng Jhoana, e!” paalala rin ni Jhong. Tumango na lang ang kanyang amo at nang makatalikod ito, “Ano ba ‘to? Mini? Yuck!” Pinalitan niya ang kanyang uniporme ng panlalaking uniporme.
“Yan! Astig!” wika nya pagkatapos magbihis. “Kailangan kong galingan. 1, 2, 3… Go!” sabi nito sa sarili. Ito ang kanyang ginagawa bilang pampalakas ng loob.
Nagsimula na siyang magtrabaho at so far, so good naman siya. Nang kinagabihan napansin niya ang isang magandang babae na tila 3 oras nang nakaupo sa isang table for two. Tanging alak lang ang lagi nitong inoorder. Lagi niyang tinitinganan ang kanyang relo at cell phone. Lagi rin siyang tumitingin sa bawat dumarating na customer. Tila may katagpong hindi sumipot ang magandang babaeng ito na naka-pulang damit at mukhang mayaman.
Nilapitan niya ang magandang dalaga sabay sabing, “Hi, Miss. Lasing ka na, a! sino bang hinihintay mo?”
“My stupid boyfriend! He’s always been like that. I think he doesn’t love me anymore,” malungkot na sabi ng babae.
“Ako nga pala si Jhong. Alam mo ang mga ganyang lalaki hindi karapat-dapat sa mga magagandang katulad mo,” payo ni Jhong. “Ahm…saan ba ang bahay mo? Mabuti pa ihatid na kita. Magsasara na rin kasi kami, e.” biglang singit ni Jhong.
“Oh, you’re so sweet but no, thanks! Magta-taxi na lang ako,” mabait na sabi ng lasing na babae.
Nagsara na ang restaurant. Inihatid niya hanggang sakayan ang magandang babae na nakilala niya bilang si Cindy, nang biglang tinigilan sila ng isang magarang kotse na sakay ang isang napakagwapong lalaki. Lumabas ito ng kaniyang sasakyan at kitang-kita ang tikas ng katawan nito. Ang kanyang tangkad ay 6 ft, at umaalingasaw ang kanyang pabango.
Para kay Jhong, kaasar-asar ang hitsura ng lalaking ito. Napansin niyang nakatingin ito kay Cindy at gano’n din si Cindy sa kanya.
Abangan ang susunod na mga eksena!
ITUTULOY…

No comments:

Post a Comment

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?