Ang sakit na nagmumula sa tinik na itinarak sa puso ko at nagpapabagal dito ay unti-unting lumalalim at lalong nagpapadilim ng aking kapaligiran. Ang mga dahon sa puno ay unti-unti na ring natutuyo at nahuhulog. Ang malakas na hangin ay nagdala sa mga buhangin sa mas malayong lugar. Kung saanman, hindi ko tiyak. Ang lumang orasan sa mesa sa tabi ng aking kama ay nauubusan na ng lakas. Ang katahimikan ng paligid ay nakapagpatulog sa akin. Nahimbing ako sa malalim na pagkakatulog at hindi ko alam kung magigising pa ako. Naglakbay ako sa aking panaginip at hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa kasalukuyan.
Ngunit nakulong man ako sa aking panaginip ay dala-dala ko pa rin ang aking masasayang alaala ng nakalipas na pagkakaibigan at pagmamahalan. Natapos man ang mga iyon, pagkalipas ng panahon ay muli akong magbabalik upang bumuo ng bagong pakikipagkaibigan, pagmamahalan at bagong alaala.
No comments:
Post a Comment