Lahat sa mundo ay may katapusan
Kung kaya’t ang oras ay pahalagahan
Hindi natin alam kung kailan
Kung paano at kung saan
Mahirap man tanggapin
Wala tayong magagawa
Sadyang ganyan ang buhay
May malungkot at may masaya
Gayunpaman, huwag ibaon sa limot
Mga alaalang naitaguyod
Sapagkat ito ang bumuo
Sa kung ano ka ngayon
Mahirap man magpaalam
Sa kahapong nagdaan
Laging isaisip
May naghihintay na bukas
Magkatalo man tayo aking kaibigan
Lagi mong pakatatandaan
Sa aking pagpapaalam
Sa buhay ko’y ika’y patuloy na pahahalagahan
zhee naman
ReplyDelete