Tulad ng isang saranggola sa himpapawid
Nais kong lumipad sa kalangitan
Damhin ang aking kalayaan
Na sana’y walang hangganan
Tulad ng isang ibon sa puno
Nais kong awitin ang himig ng aking buhay
May saya at lungkot
Wakas ay hindi matiyak
At tulad ng hapong ito
Na sana’y walang katapusan
Nais kong humalakhak
Kahit puno ng kasinungalingan
No comments:
Post a Comment