Dati, isang barkadahan ang nabuo
Isang araw ng kasiyahan di pa makuntento
Laging magkakasama, san man magpunta
Gala, lakwatsa, basta lahat masaya
Ngunit bakit kaya paglipas ng panbahon
Samaha’y parang nanlagas na dahon,
Nawalan ng kulay, pagkakaibigang iniingatan
Nagkaroon ng lamat at nawasak nang tuluyan?
Maibalik pa kaya, dating masayang samahan?
O tuluyan na nga ba itong maglalaho’t masasayang?
Anong dahilan at tayo’y nagkaganito?
Ang dating isa ngayo’y may kanya-kanya nang mundo…
No comments:
Post a Comment