Matalino ako, mayaman, magaling sumayaw, kumanta, umarte at gumawa ng tula at mga kwento. Hinahangaan ako dahil sa aking estado, palaging bida sa entablado at walang makatalo. Tuwing may paligsahan, pangalan ko lagi ang binabanggit na kampeyon. Kapag eksamen, ako lagi ang pinakamataas, at hindi ako nangopya ha! Kahit hindi naatend ng klase, 100% pa rin. Saan man dalhin, Science o Math man, kanta o sayaw, English o Tagalog, ako ang magaling. Pero hindi ako masaya. Bakit? Sa kabila ng pagiging perpektong ito, andyan ang sari-saring problema.
Nandyan ang mga nagtaksil na kaibigan na tumalikod sa akin. Hindi ko sinasadyang mawalan ng panahon para sa kanila ngunit bakit ganoon na lamang ang ganti nila? Sunod-sunod na paninira, tahasang pandaraya, chismis na walang awa. Yan ba ang tunay na kaibigan?
Pagdating sa love life, lalo namang bigo! Pagkatapos ka paniwalain na mahal ka, ayun, nasa piling na pala ng iba. Magaling sana kung isa lang ang ipinalit sa’yo. Pero bakit dalawa o tatlo pa ata? Saan ba ako nagkulang sa kanya? Ouch ha!
At syempre hindi mawawala ang mga taong walang magawa kundi mamula. Nananahimik ka na nga lang pero sari-saring masasamang puna na ang sinasabi tungkol sa’yo. Gagawa at gagawa ng dahilan para may masabi lamang!
Matalino ako, mayaman, talentado, sa kabuuan – perpekto. Madami ang inggit sa akin, pero walang makaamin. Sa kabila ng pagiging perpekto, hindi ako masaya. O ano, inggit ka pa rin ba?
No comments:
Post a Comment