Naghihimutok ang aking damdamin
Sa katotohanang hindi ko maintindihan
Ang mga bagay sa aking paligid
Taliwas sa aking pinapangarap
Humiyaw ako sa galit
Ngunit ang mundo’y bingi
Umiyak ako sa sakit
Ngunit ang mundo’y walang pakialam
Ang kinalakihan kong paraiso
Ngayon ako’y iniwan
Sa isang sulok ng mundo
No comments:
Post a Comment