Sinong makakalimot sa nangyaring tagtuyot?
Mga lupa’y natibak, bumabaw ang dagat
Nalanta mga panananim, nanganib mga aanihin
Natakot ang mga tao, baka wala nang makain.
Umulan nang maluwalhati, hiling ng marami
Lakas ng dalawang bagyo’y tumama sa mga kalahi.
Sina Chedeng at Dodong ang siyang sumisid,
Sa Anggat Dam, tumaas ang tubig.
Ilan sa mga humiling, ngayon ay luhaan,
Nawasak ang bahay at kabuhayan.
Anim ang namatay, pito ang sugatan,
Isa’y di nakita marami ang nawalan.
Narindi ba ang langit kaya’t nanghagupit?
O ang dahilan ay tao na sadyang makulit?
Langit ba ang may sala o tayong malulupit
Na sumira sa kalikasa’t nagkalat sa paligid?
No comments:
Post a Comment