Search for Fillipino Article

Custom Search
Showing posts with label suring basa. Show all posts
Showing posts with label suring basa. Show all posts

Wednesday, December 17, 2008

MacArthur by Bob Ong Book Review

Si Bob Ong ay idol ko simula pa nung sinulat niya ang pinaka-paborito kong libro na "ABNKKBSNPLKo". Tila ginanahan akong magsulat sa Tagalog dahil sa kanya. Nawiwili akong magbasa ng mga naisulat niya kaya naman na-kumpleto ko lahat ng libro niya. Lahat kasi eh kwela at talagang mapapaisip ka sa kung bakit ganoon na lamang ang pananaw ni Bob Ong sa bagay na iyon. Masaya… nakakagaang ng loob.

Pero lahat ng ito ay naiba sa ika-anim niyang libro, ang "Macarthur". Isa itong manipis na libro na ang istilo ng pagsulat ay pa-kuwento, tulad ng kanyang "Alamat ng Gubat". Alam natin na pag Bob Ong eh masaya at makulit ang takbo ng kuwento. Kaso, sa "Macarthur", naging malagim at seryoso ang tema. Para bang hindi si Bob Ong ang nagsulat.


Dahil manipis ang libro, mabilis ko lang nabasa ang "Macarthur". Gayunpaman, hitik na hitik sa laman ang buong kuwento. Ang "Macarthur" kasi ay kuwento ng limang batang nakatira sa squatters na may kanya-kanyang istilo sa pamumuhay. Matindi ang kanilang pagkakaibigan… kaya't kahit hanggang sa kamalian eh magkakasama pa rin sila. Basta ang mahalaga sa kanila eh masaya sila.

Maganda ang pagkaka-deliver sa istorya ng "Macarthur". Oo, hindi siya kuwela na para bang hindi si Bob Ong ang nagsulat, pero napakahusay nito at talagang may aral na mapupulot sa dulo. Mararamdaman mo ang hinanakit at galit ng bawat tauhan sa kuwento, isang senyales ng isang mahusay na manunulat.

Kahit sa simula pa lang ng kuwento ay mapupuna mo agad na kakaiba ito sa mga unang naisulat ni Bob Ong. Puro mura ang libro, para bang isang indie film na ginawang aklat. Wala ang mga makukulit na banat. Walang simpleng patawa. Galit at poot ang nasa libro. Mahusay.

Pangit nga naman kung puro lang patawa ang kayang gawin ni Bob Ong. Sa "Macarthur", mas pinakita ni idol na kaya niya ring maging seryoso. Kaya niyang magbigay-buhay sa mga kuwentong malagim. Kaya niyang kumawala sa tingin sa kanya bilang isang "patawang author".

Kung bakit "Macarthur" ang pangalan ng kuwento eh alamin niyo na lang. Basta magaling ang pagkakasulat dito. Hindi basta-basta. Punung-puno ng mga kuwento ng buhay sa Pilipinas… mga buhay na hindi nakikita ng karamihan. Mga buhay ng mga taong nagtatago sa pinakamadilim na sulok ng bansa. Hindi Bob Ong ang istilo…

…mas malupit pa!

Saturday, May 3, 2008

Close to You,, Suring Pelikula





I. Introduksyon

Gugustuhin mo bang lumigaya ang iyong kaibigan sa kanyang pinangarap na Prince Charming, o ipaglalaban mo ang iyong pag-ibig sa kanya na itinago mo ng halos labing-anim na taon? Meron nga tayong kasabihan,”Kung mahal mo ang isang bagay, hayaaan mo lang, kapag bumalik talagang para sayo ngunit pag hindi, hindi talaga. Kailangan mong hayaan ang iyong minamahal na maging masaya diba? Lahat naman tayo ay gusto yan ngunit habang nagtatagal ay lalo lang tayong nasasaktan kasi ang hirap tanggapin na mayroon kang minamahal ngunit may ibang mahal tapos ay halos mula pagkabata ay magkaibigan pa kayo na halos alam nyo ang sikreto ng isa’t-is na ang lagi niyang pantasya ay iba. Hindi ba’t ang hirap sabihin na mahal mo ang isang tao kung iba ang nasa isip nito. Maaaring may mga pakakataon din na isa saalang-alang natin ang pagkakaibigang matagal iningatan na maaaring sa pagtatapat mo ng iyong nararamdaman ay biglang mawala. Hindi natin masasabi ang resulta hindi ba? Sabi nga nila, “Experience is the best teacher”, “Learn from your mistakes”. Ngunit kung mahal mo talaga kailangan mong mamili kung pag-ibig ba o ang long life friendship?

I.I Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pelikula ay pinamagatang “Close to You” Ibig sabihin ay malapit sa iyo. Ayon sa pelikulang aking napanood ipinakikita roon na ang magandang pundasyon ng pagmamahal ay ang mabuting pagkakaibigan.

II. Pagsusuri


A.
Pamagat: Close to You
Direktor: Cathy Garcia Molina
Sumulat ng Kwento: John Paul Aballera & Mel Mendoza-Del Rosario


B. Balangkas



1. Simula:
a. Tauhan:
1. John Lloyd Cruz = Manuel / Palits
2. Bea Alonzo = Marian / Bru
3. Sam Milby = Lance
4. Nova Villa = Lola Dading

b. Tagpuan:
Bohol
Sanduguan Site
Floating Restaurant sa Loboc River,
Chocolate Hills
Singapore
A irport Singapore

c. Tema:

Ang tunay na pagmamahal ay nagpaparaya at inuuna ang ikaliligaya ng minamahal.


2. Gitna:

d. Saglit na kasiglahan:

Sa loob ng halos 16 na taon, isang napakagandang relasyon ang nabuo kina Marian at Manuel. Magkababata sila, kilalang kilala na ni Manuel at Marian ang isa’t isa. Si Manuel ay may bansag na palits dahil sa noong bata pa ito ay payat ito at sakitin samantalang si Marian ay tinatawag niang Bru, ibig sabihin ay Bruha, kasi noong bata pa ito ay mataba ito at sabog ang buhok. Malapit din si Manuel sa mga magulang ni Marian. Halos kapamilya na nga ang turing ng mga ito kay Manuel.

e. Tunggalian:

Sila ay naging napakaclose sa isa’t isa, na alam nila ang kanya kanyang sikreto halos lahat. Dahil sa humigit kumulang na dalawang dekada, itinago ni Manuel ang nararamdaman niya kay Marian. Isa pa si Marian ay hindi iniisip na lalampas sila sa pagkakaibigan dahil ang kanyang pinakamamahal ay si Lance, kaklase niya na nagprotekta sa kanya laban sa mga nanloloko sa kanya noong nasa mababang paaralan pa ito. Ngunit ng umalis ito patungong America upang doon mamuhay nawalan na sila ng kumunikasyon.
Pagkatapos ng ilang taon, nalaman ni Marian na si Lance ay isa ng lead singer ng popular na banda at naka iskedyul na magtour ditto sa Pilipinas. Kaya hindi niya ito pinalampas at sinundan niya ito saan man ito magpunta at sinuportahan naman siya ni Manuel. Sa pagsunod nila kay Lance ay nakilala ni Manuel si Lola Dading na nakakaintindi sa pinagdadaanan ni Manuel at ditto nito sinasabi ang tungkol sa kanila ni Marian at pinapayuhan siya nito.

f. Komplikasyon:

Sa kakasunod nito kay Lance ay nagkita ang dalwa at nagkakilala ang dalwa ni Marian. Habang saying saya si Marian sa kasasama kay Lance ay di niya alam na nasaasaktan na pala si Manuel. Kaya minsan na magkasama si Marian at Lance ay pinapangunahan nito si Lance na kung anung gusto ni Marian upang ipakita na mas kilala niya si Marian kaysa sa kanya.


g. Kasukdulan:

Dahil sa sobrang selos na nadarama ni Lance tuwing nakikita niya si Marian na kasama si Lance ay tuluyan nitong iniwan si Marian at Lance upang umuwi na sa Maynila. At lahat ng nangyari sa kanila ay ikinuwento nito kay Lola Dading. At ng umuwi si Marian sa kanila nakagalitan ito ng kanyang mga magulang dahil daw sa pagsama nito sa isang lalaking hindi naman niya kilala ng lubos. Si Lola Dading ay gusto na muling magpakasal at ang kinuha nitong photographer ay si Manuel at ang wedding planner ay si Marian. Pinapunta nito si Marian sa kanilang bahay upang ipagtapat ang lahat ng di kayang ipagtapat ni Manuel. Nang malaman nito ang lahat ay nagbago ang damdamin nito. Samantalang sinet-up pala sila ni Lola Dading upang makapag usap at ng magkita ang dalawa ay agad na tumakbo palabas ng bahay ni Lola Dading si Manuel patungo sa kanyang kotse at dali dali ding tumakbo si Marian upang sundan ito.


3. Wakas:

h. Kakalasan:

Pagdating nila sa kotse ay pilit na sinabi ni Marian na paandarin ang kotse. At pinaandar ni Manuel ang kotse at itinanong ni Marian kay Manuel kung bakit hindi nito sinabi ang totoo noon palang at bigla nitong sinabi na kung sinabi daw ba niya noon na mahal daw niya siya ay kung sasagutin daw ba siya nito ng oo. At sumagot siya ng oo. Pagkatapos ng eksenang ito ay nagpunta si Marian sa Singapore sapagkat inimbitahan siya ni Lance at magkasama sila habang si Manuel ay abala sa photo exhibit na malapit ng ganapin.

i . Resolusyon:

Habang si Marian ay nasa Singapore kasama si Lance ay namasyal ito doon na kasama si Lance. At ng magusap ang dalawa ay ipinagtapat ni Marian na mas mahal na niya si Manuel kaysa sa kay Lnace at tinanggap nito ang mga sinabi ni Marian dahil daw sa mas matagal na silang close ni Manuel at mas mapapasaya nito si Marian kaysa sa kanya. At umuwi ito sa Pilipinas at eksaktong katatapos lang ng photo exhibit ni Manuel at nakita niya na wala ng tao sa exhibit dahil nakauwi na ang mga ito at nakita nito ang mga larawang kuha ni Manuel na puro mukha niya ang nakalagay sa bawat dingding ng exhibit at habang tinititigan niya ito, nasa likod na pala niya si Manuel at nagusap ang dalawa at nagkasundo sila at naging magkasintahan.



j. Impresyon

Isang napakagandang kwento ng pagibig na sumasalamin sa buhay ng mga torpeng tao na kagaya ko na hindi masabi ang nararanmdaman dahil natatakot na baka tanggihan o baka mawala ang iniingatang pagkakaibigan at pagsuporta sa kanya kahit alam mong masakit sa iyong kalooban nang 16 taon ay hindi ipinagtapat kay Marian na mahal niya ito at napaka supportive na kaibigan. Kahit anung gustong gawin aginagawa, yan ang katangian ni Marian. Isa siyang manhid. Hindi man lang niya naisip kahit sandali lang ang nararamdaman ni Manuel habang kasama niya si Lance. Si Lola Dading na isang matulunging lola na nagbibigay ng payo at humanap ng paraan upang makapagusap ang dalwa ay isang mabait na lola na naniniwalang ang pagmamahal ay nawawala sa pagdaan ng taon at ang natitira na lang ay ang pagkakaibigan dail para sa kanya ang pag ibig ay hindi pangmatagalan.
Ang maganda sa Close to You ay ang pagtalakay nito sa tema ng pagmamahalan. Masasabi na ring naihayag ng matalinong dialogue ang tinutumbok na mensahe ng kuwento: na ang tunay na pagmamahal ay nagpaparaya at inuuna ang ikaliligaya ng minamahal. Pinapahalagahan din ng pelikula ang friendship o pagiging magkaibigan ng isang binata't isang dalagang sabay lumaking halos ay magkapatid. Bagama't mahirap paniwalaan na mayroon pang mga lalaking hindi magsasamantala sa pagiging malapit ng babae sa kanya, naisip nami'y sana nga mayroon pang ganoon, na hindi natutukso sapagkat ang unang isinasa-alang-alang ay ang halaga ng pagtitiwala sa kanya ng babae. Marahil ito'y karapat-dapat na pag-usapan ng mga magulang at mga anak, lalo na yaong mga nakikipagligawan na.
Natural na natural ang pagkakaganap nila pagkat para lamang silang gumaganap sa sarili nila--mababaw ang istorya at hindi humihinging maghayag ng malalim na damdamin. Medyo gasgas na ang tema--pagpaparaya ng isang nagmamahal--at alam naman natin kung saan magtatapos ito. Masasabi pa ngang ito'y parang ginaya lamang sa My Best Friend's Wedding. Bilang isang simpleng istoryang kinabibilangan ng mga simpleng tauhan, okey lang ang Close To You, lalo na kung tagahanga ka ni Bea na siyang "darling" ng kamera sa pelikulang ito.
Ang only reklamo ko lang sa movie na yun ay kasama si Sam Milby... Nakakainis sya magtagalog!! Pa slang-slang pa kasi eh!! Ewan ko ba! Mag English na lang sana sya... Wag nang babuyin ang tagalog language!!!
Pero ang cute pa din ng story.. Si John Lloyd kasi at si Bea magkababata at best friends daw! Kaya sila palagi magkasama. Eh si Bea may crush kay Sam Milby na friend nila nung bata sila na sobrang sikat na artista na! So ayun, hinabol habol nilang dalawa ni John Lloyd si Sam kasi nga gusto ni Bea na maging sila ni Sam... Ayun, nagkagusto nga si Sam kay Bea pero si Bea ay hindi happy kasi in love pala sya kay John Lloyd... Si Sam yung "dream" nya while si John Lloyd yung "habit"... Sa dulo nagkatuluyan pa rin si John Lloyd at Bea...! Pero naman, bakit naman kasi kailangan pang umabot sa ganun bago nila ma realize na love nila isa't isa... Hay...
At grabe! Pag nag kiss pala ang dalawang tao ibig sabihin sila na?! Wala nang tanung tanung kung gusto nyo bang maging bf/gf? Kasi si Sam, hinalikan si Bea sa lips... Tapos ayun, sinabi ni Bea agad kay John Lloyd na "sila" na daw ni Sam... PAANO!? Hindi pa nga nag sasabi si Sam na maging girlfriend sya eh, hindi din sya pumayag!! KALITO!!!



C. Buod:

Magkababata sina Palits (John Lloyd Cruz) at Marian (Bea Alonzo) maliliit pa lamang sila ay magkalaro na sila. Sa katunayan, iniligtas ng "tabatsoy" na batang si Marian ang "payatot" na batang si Palits mula sa pagkalunod. Naging sanhi ito ng nakalakihan nang katapatan ni Palits sa dalagang si Marian. Sa isang banda naman, hindi malimutan ng dalaga ang karanasan niya nuong nasa grade school pa lamang siya at laging inaapi ng mga kaeskuwela, binabansagang "baboy" gawa ng kanyang katabaan. Si Lance, isang kaeskuwelang lalaki, ang dumamay sa kanya, itinaboy ang mga nananalbahe sa kanya, inalo-alo siya at binigyan ng kanyang suot na kuwintas na dog-tag. Binata't dalaga na nang magtagpo muli ang mga landas ni Marian at Lance (Sam Milby); nagkaibigan sila, bagay na tiniis ni Palits na may lihim na pagtingin kay Marian.


D. Paglalapat ng Teorya:

Maaari nating ilapat ito sa teoryang eksistensyalismo dahil ang napanuod na pelikula ay ang mga tauhan ay walang pakialam sa mundo o sa lipunan, mas pinagtututunan ng mga karakter ang sari sariling suliranin, kung paano ito haharapin.

Mailalapat din dito ang teoryang realismo sapagkat nagbibigay diin ito sa paglalahad ng mga bagay, mga tao at lipunan. Ang mga naganap na pangyayari sa pelikula ay angkop sa tunay na buhay. Dahil ito ay nauukul sa kamanhidan ni Marian sa damdamin ni Manuel.

Thursday, October 11, 2007

Suring Basa ng Dekada 70'


Suring Basa
Dekada 70


Ang mga tauhan sa “Dekada 70” ay pawang nakapagbigay ng kanilang totong emosyon. Si Amanda na isang inang mapagmahal na may gustong patunayan. Si Julian na boses ng tahanan, mataas ang pride at ayaw pagtrabahuhin si Amanda at di mapigil ang kagustuhan ng
kanyang mga anak.. Si Jules na may paninindigan at lakas ng loob na lumaban para sa bayan. Si Isagani na isang mapusok na kabataan. Si Emmanuel na panig kay Jules na lumalaban sa pamamagitan ng pagsulat. Si Jason na isang mabuting anak na pinatay ng mga kalaban ni Jules. Si Bingo isang mapagmahal na bunsong anak.

Ang “Dekada 70” ni Lualhati Bautista ay tumutukoy sa kwento ng isang pamilya na nahuli sa kalagitnaan ng kaguluhan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga anak ng pamilyang ito na tumahak ng ibat-ibang landas. At ang magulang na humarap sa suliranin at di sumuko sa mga problemang dumaan.Tunay na sa isang pamilya masasabing “WALANG IWANAN”


Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.

Ang “Dekada 70” ay isang palabas na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong tumatahak sa kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may kakayahang makapagpalabas ng isang buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga problema. Sa mga kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap noong mga 1970 naipakita ang mga kasuotan at mga gamit na talagang pang 1970.

Maganda ang kwento at nagsasabi sa atin na kailangan nating ipaglaban ang ating mga karapatan bilang isang mamamayan sa isang malinis na paraan. Makikita na upang makalaya tayo sa pagkaalipin may mga taong nagsisikap na mapaalis ang mga taong mapang-api gaya ni Jules at ng kaibigan niya na hinangad ang kabutihan ng isang bansa at di lamang sa pansarili.

Nakalulungkot nga lang at namatay si Jason na kapatid ni Jules dahil sa paglaban nito sa pamahalaan. Nakaantig damdamin ang mga pinagdaanan ni Amanda bilang isang ina dahil masakit para sa kanya ang mawalan ng anak at maghirap ang mga ito.

Sa kabuuan ng kwento, masasasabing maganda ito sapagkat naipakita at nagbigay ng aral ito sa mga manonood. Bagamat kalunos-lunos ang nangyari sa pamilyang ito ay nakapagsimula silang muli at nagiging makabayan na. Masasabi nating sa kasalukuyan ay maaaring mangyari ito dahil sa gulo ng ating pamahalaan. Kaya maging mapagmasid tayo sa lahat ng oras at gawing mapayapa ang inyong gagawin. Isa lang ang tanong sa kwentong ito “Paano mo palalakihin ang iyong mga anak sa panahon ng katiyakan.


Balangkas






I Tagpuan:
# Sa highway
# Sa isang bahay sa Maynila
# Sa kulungan

II Banghay:
# Natural ang mga pangyayari na naganap sa kwento. Ipinakita ang pag torture kay Jules na ginagawa ng mga sundalo.
# May pagkaka-ugnayugnay ang mga pangyayari sa kwento. Naugnay ang lahat ng pangyayari sa panahon ng Martial Law.
# Malinaw ang mga ipinakitang pangyayari dito. Ipinakita ang nanyayari noong panahon ng Martial Law o batas military.

III Tauhan:
# Amanda – mapagmahal na ina. Gustong magkaroon ng sibi at sariling karera.
# Julian – boses ng tahanan. Mataas ang pride, ayaw pagtrabahuhin si Amanda. Di kayang mapigil ang desisyon ng mga anak.
# Jules – may paninindigan. Buo ang loob at tunay na makabayan.
# Isagani – halimbawa ng isang mapusok na kabataan.
# Emmanuel – kabataan na lumalaban sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsulat.
# Jason – namatay dahil ng mga kalaban ni Jules. Dahil si Jules ay kasapi sa mga kalaban ng pamahalaan.
# Bingo – mapagmahal na bunsong anak at laging karamay ni Amanda.

IV Tema:
# Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.

V Istilo:
# Gumamit si Lualhati Bautista ng pagkakaroon ng mga epekto sa mga paniniwalang kanika-nilalang tinahak. Inilarawan ang isang pamilyang tumahak ng kanikanilang kagustuhan at ang mga naging epekto nito sa kanila.

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?