Search for Fillipino Article

Custom Search

Wednesday, December 17, 2008

MacArthur by Bob Ong Book Review

Si Bob Ong ay idol ko simula pa nung sinulat niya ang pinaka-paborito kong libro na "ABNKKBSNPLKo". Tila ginanahan akong magsulat sa Tagalog dahil sa kanya. Nawiwili akong magbasa ng mga naisulat niya kaya naman na-kumpleto ko lahat ng libro niya. Lahat kasi eh kwela at talagang mapapaisip ka sa kung bakit ganoon na lamang ang pananaw ni Bob Ong sa bagay na iyon. Masaya… nakakagaang ng loob.

Pero lahat ng ito ay naiba sa ika-anim niyang libro, ang "Macarthur". Isa itong manipis na libro na ang istilo ng pagsulat ay pa-kuwento, tulad ng kanyang "Alamat ng Gubat". Alam natin na pag Bob Ong eh masaya at makulit ang takbo ng kuwento. Kaso, sa "Macarthur", naging malagim at seryoso ang tema. Para bang hindi si Bob Ong ang nagsulat.


Dahil manipis ang libro, mabilis ko lang nabasa ang "Macarthur". Gayunpaman, hitik na hitik sa laman ang buong kuwento. Ang "Macarthur" kasi ay kuwento ng limang batang nakatira sa squatters na may kanya-kanyang istilo sa pamumuhay. Matindi ang kanilang pagkakaibigan… kaya't kahit hanggang sa kamalian eh magkakasama pa rin sila. Basta ang mahalaga sa kanila eh masaya sila.

Maganda ang pagkaka-deliver sa istorya ng "Macarthur". Oo, hindi siya kuwela na para bang hindi si Bob Ong ang nagsulat, pero napakahusay nito at talagang may aral na mapupulot sa dulo. Mararamdaman mo ang hinanakit at galit ng bawat tauhan sa kuwento, isang senyales ng isang mahusay na manunulat.

Kahit sa simula pa lang ng kuwento ay mapupuna mo agad na kakaiba ito sa mga unang naisulat ni Bob Ong. Puro mura ang libro, para bang isang indie film na ginawang aklat. Wala ang mga makukulit na banat. Walang simpleng patawa. Galit at poot ang nasa libro. Mahusay.

Pangit nga naman kung puro lang patawa ang kayang gawin ni Bob Ong. Sa "Macarthur", mas pinakita ni idol na kaya niya ring maging seryoso. Kaya niyang magbigay-buhay sa mga kuwentong malagim. Kaya niyang kumawala sa tingin sa kanya bilang isang "patawang author".

Kung bakit "Macarthur" ang pangalan ng kuwento eh alamin niyo na lang. Basta magaling ang pagkakasulat dito. Hindi basta-basta. Punung-puno ng mga kuwento ng buhay sa Pilipinas… mga buhay na hindi nakikita ng karamihan. Mga buhay ng mga taong nagtatago sa pinakamadilim na sulok ng bansa. Hindi Bob Ong ang istilo…

…mas malupit pa!

10 comments:

  1. apat lang silang magkakaibigan hindi lima. haha .

    ReplyDelete
  2. tama apat nga lang. bogaloids! haha. abnormalites kc eh!

    ReplyDelete
  3. maganda ang kwentong mc arthur nakaka inspire...:))

    ReplyDelete
  4. ang ganda ng mga kwentong ginawa mo sana magpatuloy ka pa sa paggawa...hehehe...nakaka inspire...;)

    ReplyDelete
  5. ganda nito promise

    ReplyDelete
  6. yeah, ang sad niya. nice review.

    ReplyDelete
  7. wuhahahha
    ganda ng kwento
    pro kalokohan peo kakapulutan ng aral>>

    TAKE NOTE!!!
    napakalaki at mahalagang aral

    ReplyDelete
  8. best book ever!!!!!

    ReplyDelete
  9. Category : Books
    Genre: Philippine Fiction
    Author: Bob Ong
    Publisher: Visual Print Enterprise
    Page Quantity: 98 Pages

    If you look at the front cover of MACARTHUR, think you have paternity action-packed, Rambo-type theme nya. Back cover also, think you have when you addictive to kwelahan attacks writers here. Yun also I thought at first but I'm wrong. Big time. Because there when stating it seriously, just little fun part. Inside back cover, those notes: "The author's proceeds will go to Gawad Kalinga ..." proves that despite the spread mis-information and wrong impression of people about the true identity of the author, there probably she also golden heart.

    This is a big mistake I enjoyed again and I regret to read this book. Here the more I long recognized the artistic combination of superficiality and profundity of Bob Ong as a writer. Very impressive!

    This novel [more sense that sounds like a call "short story"] is about diverse life, often sad, but once again spectacular and therefore some more stories of friends who were Cyrus, Noel, Voltron and Jim from squatters area dismay [no wonder color red and black cover it].

    On the other hand, can also be "action-packed" She has removed many scenes of chasing. May publication Rambo type also because so many "USI" mentioned in the story [Hehe!] And hostile to life with selected staff here.

    Pagku-realistic story which spread the bland, cross words I just now read as: "abnormalites" and "bogaloids" as well as a great way of description of the authors and the people around here, you would think close to her heart and very true-to-life (gayunma't far from "ideal") are mentioned.

    There seems to be affected to the point occurs in the story: as Nung ebak not sag, despite some submerged pouring and some horrible tragedy. In the ¾ of the story will interpret the relevance of the lives of the main characters but apparently also briefly finish it eventually so serpent arrived.

    Despite this, it is a matter purely effective story of tragedy and twists, it will stir your thoughts and feelings towards the changes that indicated the end.

    Its a good message sa'kin: you know you'll Kelan's Lord so regulate YOU!!! And I enjoy every moment passing along your loved ones, friends or family.

    I leave you my most favorite part, at page 93:

    ReplyDelete

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?