Search for Fillipino Article

Custom Search
Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Tuesday, April 20, 2010

Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan ni Amado V. Hernadez


Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha
Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!


Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

Sunday, April 18, 2010

Ang Bato Ni Jose Corazon de Jesus



















Tapakan ng tao, sa gitna ng daan;
Kung matisad mo’y iila-ilandang
Ngunit pagkatapos, pag ika’y namatay,
Bato ang tatapak sa bangkay mo naman

Batong tuntungan mo sa pagkadakila,
Batong tungtungan ko sa pamamayapa;
Talagang ganito sa lapad ng lupa
Ay hali-halili lamang ang kawawa

Balot ng putik, marumi’t maitim
Tinapyas at, aba! Brilyanteng maningning!
Sa putik din pala ay may bituin din
Na hinahangaan ng matang titingin

Maralitang tao’y batong itinatapon,
Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy;
Nag-aral at, aba! Noong makaahon,
Sa mahirap pala nar’on ang marunong

Ang batong malaki’y kay daling mabungkal,
Ang batong brilyante’y hirap matagpuan,
Ubod laking tipak, mura nang matimbang.
Ga-mata ng isda’y pagkamahal-mahal.

Talagang ganito, madalas mamalas
Sa alimasag man ang malaki’y payat;
May malaking kahoy sy sukal sa gubat,
May mumunting damo, ang ugat ay lunas.

Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba!
Batong nasa agos, makinis, maganda,
Batong nasa gilid, bahay ng talaba,
Sadlakan ng dumi at nilulumot pa.

O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos,
Habang tumatanda’y lalong nilulumot.
Kapag agos ng palad, ang takot sa agos.
Malayong matutong lumangoy sa ilog

Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwang
Nang makaluto ka ng kanin sa kalan
Mapurol mang gulok at kampit na batingaw,
Mapapatalim din ng batong hasaan.

Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya,
Ang talim ng isip, tabak ang kapara;
Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa,
Bukas-makalawa’y magiging pantas ka.

Kapag, nagkapingki bato mang malamig,
May talsk na apoy na sumasagitsit;
Ang noo ng tao, kapag nagkiskis,
Apoy ng katwiran ang tumitilamsik!

At saka ang bato ay may katarungan,
Taong nilulunod na bato ang pataw,
Kung taong masama’y di na lumulutang,
Ngunit kung dakila’y pumapaibabaw

Saturday, August 1, 2009

Panambitan (Tula/Bikol)

Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng "PANAMBITAN" ni Myrna Prado


Sa pagsulat ng tula, dapat ay piling-pili ang mga salitang gagamitin. Sa pamamagitan ng mga salitang pinili dapat mapalutang ang matingkad na diwang nais ipahayag ng makata. Napakahalagang sangkap ng tula ang kagandahan at kariktan. Kinakailangan din na ang mga larawang diwa ay pumukaw ng imahinasyon ng mambabasa.

Sa paggamit ng simbolismo at tayutay ay may mga impresyon at kakintalan na maiiwan ang tula sa isipan ng mambabasa. Ang imahismo ay isang teoryang pampanitikan na nagsasaad ng mga imahe na nagpapahayag ng kahulugan.

Sa tulang Panambitan, isang tulang Bicol na isinulat ni Myra Prado na isinalin sa Filipino ni Lilia Realubit ay ito ang kalalabasan ng paglalapat ng teoryang imahismo sa bawat saknong ng tula.



Panambitan (Tula/Bikol)

Bakit kaya dito sa mundong ibabaw
Marami sa tao'y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran,
Wala kang pag-asang makyat sa lipunan.


Mga mahihirap lalong nasasadlak,
Mga mayayaman lalong umuunlad,
Maykapangyarihan, hindi sumusulyap,
Mga utang-na-loob mula sa mahihirap.


Kung may mga taong sadyang nadarapa,
Sa halip na tulungan, tinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi'y lalong managana.


Nasaan, Diyos Ko, ang sinasabi Mo
Tao'y pantay-pantay sa balat ng mundo?
Kaming mga api ngayo'y naririto
Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.

Thursday, December 25, 2008

Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan Ni Simon A. Marcelo






“Walang mangyayari sa balat ng lupa,

Di ma’y kagalingang iyong ninanasa.”



Kumislap ang isip ng pantas na malay

At ang sandaigdig ay naliwanagan

Nagsipamulaklak ng dunong na yaman

Ang nangagpunyaging paham na isipan;

At tayo’y nagising sa bagong kandungan

Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!



Natuklas ng dunog na kahanga-hanga

Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;

Tila niloob ng Poong Bathala

Na tayo’y matapos sa sariling nasa;

Nakapabingit na sa pagkariwara

Ang ating daigdig na lutang sa luha!



Sa bagong liwanag ng pagkakasulong

Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;

Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,

Nalakbay ang langit ng bakal na ibon,

Nasisid ang mga dagat na maalon

Ng taong palakang nagwagi sa layon!



Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas

Narating ang buwan ng bakal na limbas;

Noon naman unang sa buwa’y lumunsad

Ang dalawang bunying astronauts na tanyag;

Subalit hindi pa lubos na matiyak

Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.



Sa niyanig – yanig ng mundong mabilog

Kapag may malaking bombang sinusubok,

Ang ehe ng mundo, ay baka mahutok

At saka malihis sa kanyang pag-ikot,

Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos

Dahils sa paghinto ng kanyang pag-inog!



Hindi lamang iyan, may panganib pa ring

Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,

Sa dalawa kayang malakas ay alin

Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?

Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,

Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil!



May panganib pa rin sa bawat pagsubok

Ng bombang may lasong buga sa fallout;

Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot

Higit na mabangis sa alinmang salot;

Pag ito’y kumalat ay katakut-takot,

Walang mabubuhay sa buong sinukob!



Sa ngayon, sa hanging ating nilalanghap

Ay may kahalo nang maruruming sangkap;

Kapag ito’y hindi nalunasan agad

Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;

Kung bakit ang tao’y habang umuunlad

Saka nalalapit na lalo sa wakas!



Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang

Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,

Sa dalawang pook na pinaghulugan

Ay napakaraming nakitlan ng buhay;

Kung ang ibabagsak ay bombang panggunaw

Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan!



Pag bombang agawton ang siyang ginamit

Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,

Dahilan sa lakas na napakalabis

Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;

Huwag nawa sanang loobing ng langit

Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!



Ang pag-uunahan ng dalawang lakas

Na sa kalawakan ay magharing ganap,

Ay nagbababalang di na magluluwat

At tayo sa digma’y muling magsisiklab;

Maanong loobin ng nasa Itaas

Na huwag na sanang dumating ang wakas!



Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto,

Cambodia’t Vietnam, nag-iipu-ipo;

Ang hihip ng hangin kapag di nagbago

Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;

Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo

At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!



Nais na lamugin ng Maso at Karit

Kung magagawa lang, ang lupa at langit;

Ang Agila naman sa pagpupumilit

Na siyang mauna’y hindi matahimik;

Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis

Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?



Wala pang sanggol sa kasalukuyan

Sa pagbombang higit ang bilis sa ingay,

Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay

Di makahanda nais mang lumaban;

Dahil dito kaya dapat pagsikapan

Na mapagkasundo ang sangkatauhan!



Hindi nga masamang ang Tao’y

Lalo kung may mithing dakila at tapat,

Pagkat likas lamang sa taong maghangad

Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,

Nguni’t ang masama’y ang magpakapantas

Upang ang mabuting binuo’y iwasak!



Di dapat gumamit ng mga sandatang

Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;

Idalangin nating magkaisa sana

Ang sangkatauhan sa mithi at pita;

Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata

Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!



Kapag nagkaroon ng lason sa tubig

Gayon din ang hangin na dating malinis,

Lahat ng may buhay sa Silong ng langit

Ay matatapos nang parang panaginip;

Saka lamang naman magiging tahimik

Kung dito’y wala nang mga manlulupig



Dahil dito kaya kinakailangang

Iwasabn ang imbot at mga hidwaan;

Pagsikapan nating tuparing lubusan

Ang aral na tayo ay mangan-ibigan;

Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang

Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!



Agawin sa kamay ng imbot at inggit

Ang kapayapaan nitong sandaigdig;

Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit

Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;

Ang Diyos ay gising, di ipagkakait

Ang Kanyang saklolo sa api at amis!



Kapag ang Ama nang Makapangyarihan

Ang siyang nagtanggol sa aping kat’wiran,

Hindi maglalao’t ang sangkatauhan ay

makakandon sa ang kalwalhatian;

Saka ang ligalig na sandaigdigan

Ay mahihimbing na sa katahimikan.

Ang Pamana Ni Jose Corazon de Jesus





Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay
At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin
at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,
O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming
Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos





Marahang-marahang
Manaog ka, Irog at kata’y lalakad
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat
Di na kailangang
Sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
Ang daliring garing
Sa sakong na waro’y kinuyom na rosas!

Manunulay kata
Habang maaga pa, sa isan pilapil
Na nalalatagab
Ng damong may luha ng mga bituin;
Patiyad na tayo
Ay maghahabulang simbilis na hangin,
Ngunit walang ingay,
Hanggang sumapit sa tiping buhangin.

Pagdating sa tubig,
Mapapaurong kang parang nangingimi,
Gaganyakin kata
Sa nangaroong mga lamang – kati;
Doon ay may tahong
Talaba’t halaang kabigha-bighani,
Hindi kaya natin
Mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdarapit-hapon
Kata’y magbabalik sa pinanggalingan,
Ugatan ang paa
At sunog ang balat sa sikat ng araw…
Talagang ganoon;
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
Lahat, pati puso,
Ay naaagnas ding marahang-marahan.

Friday, September 19, 2008

Mga Bugtong


1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

Sagot: kandila


2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.

Sagot: langka


3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Sagot: ampalaya


4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.

Sagot: ilaw


5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Sagot: anino


6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Sagot: banig


7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: siper


8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

Sagot: gamu-gamo


9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

Sagot: gumamela


10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

Sagot: kubyertos


11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: kulambo


12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot: kuliglig


13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.

Sagot: kulog


14. May bintana nguni't walang bubungan,
may pinto nguni't walang hagdanan.

Sagot: kumpisalan


15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.

Sagot: palaka


16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.

Sagot: kasoy


17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot: paruparo


18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

Sagot: mga mata


19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Sagot: tenga


20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.

Sagot: baril


21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

Sagot: bayong o basket


22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.

Sagot: batya


23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Sagot: kamiseta


24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.

Sagot: saraggola


25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.

Sagot: ballpen o Pluma


26. Nagbibigay na, sinasakal pa.

Sagot: bote


27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.

Sagot: sandok


28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.

Sagot: kampana o batingaw


29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

Sagot: bayabas


30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.

Sagot: balimbing

31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: posporo

32. Isang reynang maraming mata nasa gitna ang mga espada.
Sagot: PINYA

33. Heto na si Ingkong nakaupo sa lusong.
Sagot: KASOY

34. Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.
Sagot: ATIS

35. Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo.
Sagot: ASO

36. Tungkod ni apo hindi mahipo.
Sagot: NINGAS NG KANDILA

37. Eto na ang magkapatid Nag-uunahang pumanhik.
Sagot: MGA PAA

38. Mayron akong maliit na kaibigan na kayang umakyat kahit saan..

Sagot: Langgam

39. Wala sa langit, wala sa lupa, kapag nasa tubig ay patag
Sagot: Bangka

40. Wala itong leeg, bibig at katawan, ngunit walang kamay at paa,

Sagot: Bote

41. Anong hayop sa mundong ito ang nakakahinga na ang labi ay

Buto

Sagot: Ibon

42. Anong walang buhay ang ang kayang tumulog

Sagot: Langis ng Niyog

43. Hindi tao hindi bagay, pero may magandang buhok

Sagot: Mais

44. Mahaba pag makaupo, mababa pag nakaupo

Sagot: Aso

45. Binili ko ng napakamahal, isinabit ko lang.

Sagot: Hikaw

46. Puti ang kulay, Walang bintana, walang pinto,,

Sagot: Itlog

47.Hindi sa iyo, hindi sa akin,,pagaari ng lahat,

Sagot: Mundo

48. Dalawang dahon na magkaparehas ang sukat at kagandahan

Sagot: Tenga

49. Dalawang malapit na magkaibigan, ang isa ay nauuna sa isa

Sagot: Paa

50. Isang bayabas na may pitong butas

Sagot: Mukha

51. Ano ang maliit na insecto na lumiliwanag sa gabi,

Sagot: Alitaptap

52. Nakabuka ngunit walang bibig, tumatawa ng palihim,

Sagot: Bulaklak

53. Walang paa ngunit nakakatayo, Meroong tiyan ngunit walang

Bituka

Sagot: Baso

54. Anong klase ng hayop ang takot sa tubig…

Sagot: Kambing

55. Maitim na maitim, mahirap bilangin

Sagot: Buhok

56. Anong parte ng katawan na ang tiyan ay nasa likod..

Sagot: Binti

57. Anong may paa ang nasa ulo..

Sagot: Lisa

58. Wala itong paa ngunit nakakalakad, wala itong pakpak pero

Nakakalipad..

Sagot: Sulat

59. Ang O ay nagiging C, at ang C nagiging O,

Sagot: Buwan

60. Kalahati ng kanyang mukha ay makikita ang buong Pilipinas

Sagot: Buwan

61. Ang mukha ay katulad ng sa lalaki, na magaling tumalon

Sagot: Unggoy

62. Wala itong paa pero makakalakad, wala itong gulong pero ito’y

Nakakatakbo..

Sagot: Tubig

63. Anong insecto sa munding ito ang nakakalakad ng walang buto.

Sagot: Bulate

64. Matapos ang reynang makagawa ng palasyo,, siya ay

Malungkot sa kulungan..

Sagot: Putting langgam,,

65. Bahay ni Gabriela iisa ang poste,,

Sagot: Payong

66. Hindi tao, hindi hayop, na kayang kumanta at sumayaw sa

harapan mo..

Sagot: Telebisyon

67. Mayroong apat na paa, pero hindi nakakalakad..

Sagot: Lamesa

68. Nahihiya pero walang hiya

Sagot: Makahiya

69. Kapag hawak ko itoy patay, Kapag inihagis ay buhay,,

Sagot: Trumpo

70. Kaibigan ng barbero,, pwede mo rin itong maging kaibigan

Sagot: Gunting

71. Ang ina ay patuloy pa rin sa paggapang, ang anak ay

Nakaayos na ngayon

Sagot: Kalabasa

72. Ito ay importante sa mga gusali, pero walang halaga sa sapa

Sagot: Bato

73. Ang tubig ay nagiging diamond, ang diamond y nagiging tubig,,

Sagot: Asin

74. Kapag ang iyong bisita ay dumating,, ang aking bisita ay dadating

din..

Sagot: Araw

75. Ako ay mayroong malapit na kaibigan na laging nakasunod sa

aken kahit saan ako pumunta..

Sagot: Anino

76. Laging nakasakay pero hindi nagalaw..

Sagot: Bubong

77. Anong prutas ang napapaligiran ng mga mata..

Sagot: Pinya

78. Bahay ni John punong puno ng diamond..

Sagot: Granada

79. Dalawang butas, puno ng hangin

Sagot: Ilong

80. Ang mga Negro ay dumating, ang lahat ng tao ay nag sibagsak

Sagot: Gabi

81. Sa ibabaw ay purgatoryo,, sa ilalim ay impyerno,

Sa gitna ay mayroong Cake

Sagot: Bibingka

82. Hindi tao, hindi hayop kumakain ng karne at isda

Sagot: Kawali

83. Dalawang maliit na bundok ,, ngunit hindi nakikita ,,

Sagot: Kilay

84. Dalawang bola,, naaabot ang langit

Sagot: Mata

85. Anong prutas sa mundong ito ang may buto sa labas..

Sagot: Kasuy

86. Ako ay libro ng panahon, taon taon ay nagbabago..

Sagot: Kalendaryo

87. Tubig ng langit,, hindi nahihipan ng ng hangin..

Sagot: Sabaw ng Niyog

88. Heto na siya,, heto na,, pero hindi mo siya nakikita..

Sagot: Hangin

89. Hindi tao hindi hayop,, merong apat na dibdib

Sagot: Basket

90. Nakalatag sa gabi,, nakatiklop sa umaga

Sagot: Banig

91. nakasarado dito, nakasarado doon,, nakasarado ang paligid

Sagot: Kawayan

92. Pagod pag nakatigil,, magaling pag tumatakbo:

Sagot: Bisekleta

93. Merong dalawa ang tingin pero walang ibang paningin

Sagot: Duling

94. Bahay ng kapatid na multo,, pero mayrong sirang poste

Sagot: Katang

95. Sumisigaw at nag bibigay ng signal..pero sa tmang oras

Sagot: Tandang

96. Ang aking Isda galling sa Malabon,, Lumalangoy lamang sa mga damit

Sagot: Patag na palantsa

97. Ang aking nanay ay nag handa ng pagkain sa lamesa

Ito ang unang lumalabas,,

Sagot: Langgaw

98. Dalawang magkapatid naguunahan sa isa’t-isa

Sagot: Tuhod

99. Isa lamang na naghahawak,, may pitong butas,,

Sagot: Ulo ng tao

100. Nagdala ako ng katulong na mas nataas sa akin,,

Sagot: Sumbrero




Thursday, October 11, 2007

Pag-Ibig ni Consolacion P. Sauco


Pag – Ibig
(Consolacion P. Sauco)


Nais kong abutin ang iyong pangarap,
Ihandog ko ito sa ‘yong mga yapak,
Ang ninanasa mo ay aking matupad,
Ng kaligayaha’y sumaiyong palad.

Ibig kong masunod pasabi mo sa akin,
Na matupad sana ang ‘yong mga hiling,
Anumang panganib aking susuungin,
Ang isasagawa ko’y bukal sa damdamin.

Sinong di iibig sa taglay mong ganda?
Mukhang nakangiti at lagging alaala,
Umula’t umaraw ikaw ang ligaya,
Bathaluman ka nga ng aking pagsinta.

Ang limutin kita’y aking kamatayan,
Sa laot ng buhay ikaw ang aking gabay,
Kasasabi mo lang na ako ay ay mahal,
Patunayan ito, o irog kong hirang.

Sunday, August 26, 2007

Di Mo Kaya ang Mag-Isa


Di Mo Kaya ang Mag-Isa

Sa palagay mo ba buhay mo’y sasaya
Kung sa sarili mo ika’y nag – iisa
Hindi bat nararapat humanap ka ng kasama
Kaibiga’ng aagapay sa tuwi- tuwina

Kapag ika’y nalulungkot , kanino ka lumalapit
Kapag nais mong magsumbong sino ang siyang nakikinig
Hindi ba t’ ang kaibigan na lagi mong kapanalig
Sa buhay mo’y tumutulong kapag ika’y nagigipit

Kapag ika’y masaya punong - puno ka ng ligaya
Kaibiga’y naririyan kasabay mong tumatawa
Halakhak niya’y nagsasabing siya ri’y maligaya
Kaisa mong natutuwa dahil ika’y masaya

Kapag ika’y lumalakad, sino ang siyang sumasama
Hindi ba’t ang kaibigan na laging handa sa twina
Kung hindi man niya kayanin ang masamahan ka
Agad siyang nagsasabing, mag-ingat ka sana

Kapag ika’y may problema, malaki man o maliit
Kaibiga’y naririyan at sayo’y lumalapit
Kamay mo’y pinipisil, luha mo’y pinapahid
Sabay sabing nariyan siya, di ka dapat maligalig

Kapag ika’y nililito sino ang siyang nangangaral?
Sinong nagtutuwid ng mali mong gawi’t asal
Hindi ba’t ang kaibigan na sayo’y gumagabay
Sa paglalakbay mo’y siyang umaakay

Ngayo’y sabihin mo kung kaya mong mag-isa
Kung kaya mong mabuhay ng wala siya
Di’bat hindi katoto ko, hindi mo ito kaya
Sapagkat itong kaibigan kaagapay mo sa tuwina.

The Rainy Day


The Rainy Day

The day is cold, dark, and dreary
It rains and the wind is never weary
The vine still clings to the moldering wall
But at every gust the dead leaves fall
And the day is dark and dreary

My life is cold and dreary
It rains and the wind is never weary
My thought still clings to the moldering past
But the hope of youth fall thick in the blast
And the days are dark and dreary

Be still heart! and cease repining
Behind the clouds is the sun still shining
Thy fate is the common fate of all
Into each life some rain must fall
Some days must be dark and dreary

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?