Search for Fillipino Article

Custom Search

Thursday, October 11, 2007

Pag-Ibig ni Consolacion P. Sauco


Pag – Ibig
(Consolacion P. Sauco)


Nais kong abutin ang iyong pangarap,
Ihandog ko ito sa ‘yong mga yapak,
Ang ninanasa mo ay aking matupad,
Ng kaligayaha’y sumaiyong palad.

Ibig kong masunod pasabi mo sa akin,
Na matupad sana ang ‘yong mga hiling,
Anumang panganib aking susuungin,
Ang isasagawa ko’y bukal sa damdamin.

Sinong di iibig sa taglay mong ganda?
Mukhang nakangiti at lagging alaala,
Umula’t umaraw ikaw ang ligaya,
Bathaluman ka nga ng aking pagsinta.

Ang limutin kita’y aking kamatayan,
Sa laot ng buhay ikaw ang aking gabay,
Kasasabi mo lang na ako ay ay mahal,
Patunayan ito, o irog kong hirang.

No comments:

Post a Comment

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?