Kristiyanismo
Ang Kristyanismo ay isang relihyong monoteista (naniniwala sa iisang Diyos lamang) na nakabatay sa buhay at turo ni Hesus ng Naẕaret ayon sa isinulat ng kanyang mga tagapagsunod sa Bagong Tipan. Pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na si Hesus ay ang anak ng Diyos at ang Mesias na pinaghulaan ng mga sugo sa Lumang Tipan. Ang Bagogng Tipan ng Bibliya ay tinitingnan bilang tala ng Ebanghelyong ipinahayg ni Hesus. Ito ay ang pinakamalaking pananampalataya sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong taong kasapi nito. Sa kasulukuyan, ito ay malakas sa Europa, mga Amerika, Katimugang Afrika, ang Pilipinas at sa Oceania at tumutubo na sa Asya, lalo na sa Tsina at Timog Korea.
Nagsimula ang Kristiyanismo bilang "offshoot" ng Judaismo at kasama ang Bibliang Hebreo bilang Lumang Tipan sa mga banal na Kasulatan nito. Tulad ng Judaismo at Islam, itinatalaga ang Kristiyanismo bilang isang Pananampalatyang Abrahamiko.
Isa sa mga pinakakilalang mga sagisag ng Kristiyanismo ay ang krus, kasama rin ng isda, o "Icthys" kung tawagin. Ang pangalang "Kristiyano" (Griyegong Χριστιανός, "Christianos" Strong's G5546), ay may kahulugang "kabilang kay Kristo" o "pagmamay-ari ni Kristo", at ito ang tawag sa mga sinaunang disipulo sa lungsod ng Antioch (Gawa 11:26) at ang unang paggamit ng "Kristiyanismo" (Χριστιανισμός, "Christianismos") bilang pangalan ng pananampalatayang ito ay mula kay San Ignacio ng Antioch.
Mga Paniniwala
Ang mga iba't ibang pangkat o kung tawagin ay mga "Simbahan" sa loob ng Kristiyanismo ay may magkakaibang pananaw ukol sa relihiyong ito, subalit ang karamihan ng mga kasapi ay may mga magkakahawig o magkatulad na mga doktrina, o mga paniniwalang opisyal. Kasama rito ay ang:
Hesukristo
Sa pangalan pa lamang na "Kristiyanismo, halatang ang pinaka-sentro ng teolohiyang Kristiyano ay ang paniwalang si Hesus ay ang Mesias (Hebreo: מָשִׁיחַ, māšiáħ) o ang Kristo (hango sa salitang Kastilang "Cristo", na mula naman sa Griyegong Χριστός, Christos). Pinaniniwalaang si Hesus, bilang Mesias, ay ang Manunubos at Hari ng sangkatauhan, at ang kaniyang pagparito ay ang katuparan ng mga propesiya ng Lumang Tipan. Iba ito mula sa konsepto ng Mesias ng mga Hudyo, sapagkat ang sentrong paniniwala ng Kristiyanismo ay sa pamamagitan ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus, ang mga makasalanan ay bumalik na sa Panginoon, nailigtas mula sa kasalanan, at nakamit ang buhay na walang hanggan.
Sa halip ng mga debate ukol sa tunay na pagkatao ni Hesus, ang karamihan sa mga Kristiyano'y naniniwala na siya ay Diyos na nagkatawang-tao at "tunay na Diyos at tunay na tao".
Mga Kristiyanong Relihiyon Sa Pilipinas
Simbahang Katoliko o Katolisismo
Maikling Kasaysayan ng Simbahang Katolika
Ang Simbahang Katolika ay orihinal na nasa ilalim ng pamamahala ng tatlong patriarka. Ito ay ang patriarka ng Roma, Alexandria at ng Antiquia. Nang kalaunan ay naidagdag ang patriarka ng Constantinople at ng Jerusalem. Ang obispo ng Roma ang siyang pinakakilala noong mga panahong iyon. May kakataon na ang pagtatalo sa doktrina at pamamalakad ay isinasangguni sa Roma. Noong mailipat ang kabisera sa Constantinople, napadalas ang panghahamon (batikos at kwestiyon) sa mga impluwensya ng Roma. Bagamat, inaangkin ng Roma ang espesyal na kapangyarihan at pagiging angkan ni San Pedro at San Pablo, na pinaniniwalaan ng lahat ng patriarka bilang isang martir at nailibing sa Roma, ang Constantinople naman ang siyang residensiya ng Emperador, at ang simbahan naman ng Antioch at ng Alexandria ay matanda pa sa Roma. Itinuturing din na unang namahala o tatag ng Sede si San Pedro sa Antioch bago ito pumaroon sa Roma.
Noong taong 431, ang Konseho ng Efeso ang Ikatlong Konsehong Ekumenikal, ay siyang nagbigay pansin sa Nestorianismo. Ang Nestorianismo ay isang ereheng paniniwala ng paghihiwalay ng katauhan at kabanalan ni Jesus. Ito rin ang paniniwalang nagsasabing ang Birheng Maria ay nagluwal lamang, hindi sa Diyos, kundi sa katauhan (o katawang tao) lamang ni Hesukristo. Tahasang itinakwil ng Konsehong ito ang paniniwalang ito, at kinatigan nila ang paniniwalang si Birheng Maria ay Theotokos, o "Ina ng Diyos". Isa ito sa pinakamalaking kaguluhan sa kasaysayan ng Simbahan. Yaong mga hindi tumanggap ng desisyon ng Konseho ng Efeso ay karamihang Persiano at nagsipagtatag o kinakatawan ng mga Simbahang Assyrian ng Silangan at ng mga kaugnay na simbahan.
Isa pa pangyayari ang lumikha ng alingusngos sa Simbahang Katolika. Ito ay ang matapos na ilabas ng Konseho ng Kalsedonya ang pananaw nila sa Eutychian Monophysitism. Ayon sa doktrinang ito, nakikiisa ang kabanalan sa katauhan ni Kristo. Dagdag pa ng konseho na ang iisang personang ito ay may dalawang kalikasan "walang pagkakalito, walang pagbabago, walang paghahati at walang paghihiwalay" o "hindi dapat ipagkalito, hindi maipagbabago, hindi mahahati at hindi mapaghihiwalay", at kukng magkagayon ay parehong buong Diyos at buong tao. Ang mga simbahang Alexandrino ay hindi sumang-ayon dito. Ang mga ito ay ang mga "Sinaunang Simbahang Oriental" o ang "Kumunyong Ortodoxong Oriental".
Nagsanga naman noong ikalabing daang taon (siglo 11) ng isa pang usapin ang Simbahang Katolika. Laman ng pangyayaring ito ang mga pagtatalo sa doktrina, di pagkakasundo sa pamamahala ng simbahan, ang ebolusyon ng paghihiwalay ng mga rito at mga kasanayan o tradisyon. Noong 1054 rin ay naganap ang isa pang paghahati ng Simbahan. Ang paghahati sa pagitan ng "Silangan at ng "Kanluran". Kabilang sa silangang grupo ay ang Grecia, Rusya, lupaing Eslabiko (Slavic lands), Anatolia at mga Simbahan ng Sirya, Ehipto. Sila ang mga simbahang tumanggap sa Konseho ng Kalsedonya. Samantala ang Inglatera, Pransya, Banal na Emperyo ng Roma,Escandinabya at ang kalakhang Kanlurang Europa ang sya namang nasa kanlurang grupo. Ang pagkakawatak watak nito ay tinawag na Malaking Hidwaan Great Schism.
Ang pinahuling pagkakahati ay naganap noong ika labing anim na daang taon (siglo 16), noong panahon ng Repormasyon. Ang mga kanluraning simbahan ay tahakang nagtakwil sa mga turo ng Simbahang Romano Katolika at napangalanang "Protestante"
Gayumpaman, ang ilang sa mga protestanteng ito, ay nanalig pa rin na sila ang tunay, buo at kumpletong Katoliko. Ang ilan sa kanila ay naniniwala na sila ay BAHAGI ng Simbahang Katolika, samantalang ang iba ay naniniwala na sila LAMANG ang Simbahang Katolika.
Natatanging Paniniwala at Sakramento
Paniniwala
Sakramento
• Binyag
• Kumpil
• Banal na Pakikinabang o Yukaristiya
• Kumpisal
• Annointing of the Sick
• Holy Orders
• Banal na Matrimonya o Kasal
Simbahang Romano Katoliko
Ang Simbahang Katoliko, ay hindi isang abstract at invisible entity, bagkus ay isang nakikita at konkretong bahagi ng sanka-Kristiyanuhan; kadalasang tinatawag ding "Simbahang Romano Katoliko."
Islam
Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13 siglo sa pamamagitan ng isang Arabong Misyonaryo na si Sharif Makhdum na lumapag sa Sulu. Ipinagawa niya ang unang Masjid sa Pilipinas sa Tubig-Indangan, Pulo ng Simunol, Lalawigan ng Tawi-Tawi. Ang natitirang bahagi ng Masjid ay makikita pa rin sa dati niyang kinalalagyan. Si Makhdum ay namatay sa Pulo ng Sibuto, Lalawigan ng Tawi-Tawi at ang kanyang puntod ay dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon.
Ng taong 1390, si Rajah Baginda ay dumating sa Bansa at pinagpatuloy ang pagpapalaganap ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum. Si Abu Bakr ay dumating sa Jolo noong 1450 at pagkatapos ay pinakasalan niya ang dalagang anak ni Rajah Baginda na si Putri (Princess) Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagtatag sa tinatawag na Sultanate of Sulu na kung saan silang mag-asawa ang naging unang Sultan at Sultana.
Pagkatapos maitatag ang Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay naglakbay patungong Mindanao sa pamumuno ni Sharif Kabungsuwan. Siya ay lumapag sa Maguindanao (Cotabato) sa taong 1475 at pagkatapos ay pinakasalan niya si Putri Tunina. Sila rin ang kauna-unahang Sultan at Sultana sa Maguindanao.
Sa paglipas ng maraming taon, maraming Datu na Muslim ang pumunta sa Pilipinas pagkatapos marinig ang magandang balita sa magandang pagtanggap sa mga naunang Muslim. Magmula sa Borneo ay dumating ang sampung Datu na lumapag sa Panay. Ang mga Datung ito ay sina : Datu Puti, Datu Sumakwel, Datu Bangkaya, Datu Dumalogdog, Datu Paiburong, Datu Paduhinog, Datu Lubay, Datu Dumangsil, Datu Kalantiaw at si Datu Balensula.
Si Datu Puti ang siyang pinuno ng grupo ng mga Datu. Si Datu Puti ay dalubhasa sa paglalakbay at sila'y lumapag sa San Joaquin, Iloilo (ang pangalan nito noong una ay Siwaragan). Si Datu Puti at ang mga kasama niya ay binili ang mababang lupa sa Iloilo na nagmula kay Marikudo, ang pinuno ng mga Ita. Nagtatag sila ng sarili nilang pamayanan. Nang ang pamilya ng mga taga Borneo ay natatag sa Panay, si Datu Puti, si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay naglakbay muli at kanilang narating ang Batangas na sakop ng Luzon.
Si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay nagtatag ng sarili nilang pamayanan at si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo sa daang Mindoro at Palawan. Isinalaysay niya ang kanyang karanasan sa mga Borneans at dumami ang nabighani para makapunta sa Pilipinas.
Nang lumapag si Magellan sa Pulo ng Limasawa noong ika-16 ng Marso 1521, ang Pilipinas ay isa ng Bansa ng mga Muslim sa kadahilanang ang karamihan ng populasyon ay mga Muslim na. Pinatutunayan din sa kasaysayan na noong dumating si Legaspi (ang pumalit kay Magellan na napatay ni Lapu-Lapu), ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag na sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan, na hindi pa kasali ang solidong mga Pulo ng Mindanao.
Noong ika-13 ng Hunyo 1571, ang mga Kastila ang nagpasimula ng mainit na digmaan laban sa mga Muslim ng Maynila na pinamumunuan ng huling haring Muslim na si Rajah Soliman (ang pinuno ng mga Sultan sa Luzon).
Ipinagtangol ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng buong tatag hanggang sa kahulihulihang hibla ng kanyang buhay na nangyari sa Bangkusay, (sa dalampasigan ng Tondo). Sa pagkatalo ni Soliman, ang mga Kastila ay nagdulot ng lagim sa Pulo ng Luzon. Pinatay nila ang mga lalaki at babae, matanda at bata.
Ang mga Muslim sa karatig bayan ay nagtangol sa kanilang mga sarili hanggang sa kanilang huling hininga. Itak at palaso laban sa baril at kanyon.
Itinatag ng mga Kastila na pangunahing lugar ang Manila at nagplano sila na lusubin ang Visayas. Sa maikling sandali, nalupig nila ang Visayas. Ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan ay napilitang talikdan ang kanilang relihiyon at tanggapin ang Kristiyanismo. Pero ang mga matatapang at bayani ay mas nilubos pa nilang mamatay kaysa sumira sa ALLAH (Subhanahu Wa Taala). Ang mga katutubo na mahihina ang pananampalataya sa kanilang dating relihiyon ay tinangap ang relihiyon ng mga Kastila.
Hindi huminto ang mga Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Di pa sila nakontento, pinangarap pa nilang masakop ang mayamang lupain ng Mindanao. Pero ang mga tribu ng Kalagan, Maguindanao, Iranon, Maranaw, Tausog, Yakan at Sama, nilabanan nila at pinahinto ang pangarap ng mga Kastila.
At doon nagsimula ang tumanyag na digmaan ng mga Muslim at Kastila.
Dalawang bagay ang dahilan kung bakit nagkaroon ng digmaan :
1) Gusto ng mga Kastila na siyang maghari at sakupin ang mga Muslim pero mahal ng mga Muslim ang kanilang kalayaan at mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa maging alipin ng mga Kastila.
1) Nagpahayag ang mga Kastila ng mensahe ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng espada kaya't nag-alsa ang mga Muslim at ginamit ang kanilang kris at bolo para ipagtanggol ang Islam hangang sa huling sandali.
Ang pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay nagwakas noong taong 1898 at ang mga Amerikano ang siyang pumalit sa mga Kastila.
Sa mahigit na tatlong daang taon na sinubukan ng mga Kastila na sakupin ang mga Muslim, ang Espanya ay bumagsak at napahiya dahil ang mga Muslim sa Mindanao ay nagtagumpay na maipagtangol ang Islam sa Mindanao. Ganoon din ang nangyari sa mga Amerikano at Hapon na walang nagawa para sakupin ang mga Muslim. Dito natin makikita ang kapangyarihan at kadakilaan ng ALLAH (Subhanahu Wa Taala) na kapag ginusto Niya, walang makapipigil lalo na't ipinaglalaban ng mga Muslim ang relihiyon ng ALLAH, ang Islam.
Iglesia Ni Kristo
Ang Iglesia ni Cristo (Iglesya ni Kristo, daglat:INC o, sa Ingles ay Church of Christ) ay isang independyenteng relihiyosong organisasyon na nagmula pa sa kapuluang Pilipinas.[1] Ito ay narehistro at naiinkorpora sa Security and Exchange Commission sa Pilipinas noong ika-27 ng Hulyo, taong 1914.
Nananampalataya ang organisasyong ito na sila ay ang tunay na iglesia na tinatag ni Hesus noong unang siglo na natalikod sa tunay na aral; at muling bumangon sa Pilipinas sa bisa ng hula ng Biblia, gayumpaman sila ay hindi naniniwala sa doktrina hinggil sa Santisima Trinidad, maging ang paniniwala ng pagkadiyos ni Hesus.
Kilala ang mga arkitektura ng Iglesia ni Cristo dahil sa kanilang matataas na patusok (modern gothic) na pigura sa mga kapilya at gusali nito.
Kasaysayan
Ang konteksto ng kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay nakasasalay at umiikot sa ikadalawampung dantaon, na makikilala sa paglabasan ng mga rural na kilusang laban sa kolonyalismo, na kadalasan ay may temang pangrelihiyon. Sa panahong ito, ang mga misyonaryong mula sa Amerika ay nagpakilala sa kulturang Pilipino ng mga alternatibo sa Katolisismo na sya namang pamana ng mga Kastila.
Sa mga panahong iyon, si Felix Manalo na sinasabing lubhang relihiyoso na kahit ng siya ay bata pa lamang, ay sumali na sa mga relihiyosong organisasyon at nagpatuloy sa pagpapalipat-lipat dahil ayon sa kaniya ay sinasalungat ng mga turo na ito ang aral sa Bibliya. Kinalaunan iprinoklama niya na siya ay mayroong misyon na ipangaral muli ang unang iglesia na itinatag ni Kristo at mangaral ng dalisay na ehanghelyo.
Nagsimula ang mga INC na magkaroon ng taga sunod noong ika-27 ng Hulyo, 1914 sa Punta, Santa Ana, Manila; si Manalo ang umaktong punong ministro.[10] Pinalaganap niya ang kaniyang mensahe sa kaniyang lokal na nasasakupan na naging dahilan ng pagdami nila at pag-akay sa ibang miyembro ng ibang relihiyon. Nang lumalaki na ang bilang ng organisasyon, humirang siya ng mga delegado para magpakilala ng turo ng Iglesia ni Cristo sa ibat ibang lupain, kabilang na ang mga nasa labas ng bansa. Noong namatay si Felix Manalo, taong 1963, ang kaniyang anak na si Eraño Manalo naman ang siyang humalili bilang ehekutibong ministro at si Eduardo V. Manalo naman ang "deputy executive minister".
Umabot na sa dalawang libo anim na raan at tatlumpu't lima (2,635) kongregasyon na kung tawagin ay lokal sa mahigit na 84 na bansa at territoryo sa buong mundo ang inaabot ng Iglesia ni Cristo.[12] Kilala rin ang Iglesia ni Cristo sa Hawaii at California, dalawang estadong kilala sa dami ng imigranteng Pilipino. Bagamat hindi naglalabas ang Iglesia ni Cristo ng tunay na bilang ng kanilang miyembro, ang Catholic Answer ay naniniwala na sila ay maaring nasa pagitan ng 3 hanggang 10 milyon.
Gawaing Pangmisyonaryo
Sa Pilipinas, may programang itinatanggal at sumasahimpapawid sa radyo 954 kHz DZEM-AM, DZEC 1062 kHz-AM at telebisyon Net 25, dalawang istasyong pag-aari ng INC at maging sa GEM-TV Channel 49 ng Eagle Broadcasting Corporation.
Sa Hilagang America, isang programang pantelebisyon ang may pangalang "The Message" na produced naman ng Iglesia ni Cristo sa San Francisco Bay Area. Sa kasalukuyan ito ay naisahihimpapawid sa Estados Unidos at Canada at sa ilang bahagi ng Europa. Ang tatlumpong minutong programang ito ay tinatampukan ng ibat ibang pagtalakay ukol sa mga aral na sinasampalatayanang aral ng Iglesia Ni Cristo.
Mayroon ding magasin para sa kongregasyon sa buong mundo na may pamagat na "God's Message" (kilala rin sa dating tawag na Pasugo). Ang God's Message ay naipiprinta sa Tagalog at Ingles na edisyon. Mayroong mga edisyon na parehong may Tagalog at Ingles. Ang magasin na ito ay binubuo ng mga liham sa editor, balita sa mga lokal sa buong mundo, relihiyosong tula, at mga artikulo hinggil sa pananampalatayang pang Iglesia ni Cristo, direktoryo ng mga lokal sa labas ng Pilipinas, at nagpapalabas din ng mga talapalabas ng mga serbisyong pagsamba. May mga pamphlets din na ibinibigay sa mga miyembro na nagpapakilala sa mga paunahing tagapagsalita tuwing mayroong nakatakdang pagsamba.
Mayroon ding gawaing naglalayon nang pagtulong sa mahihirap. Nakapagtatag na sila ng pabahay gaya ng "Tagumpay Village" at nagbibigay ng libreng gamutan at serbisyong dental sa mga proyektong gaya ng "Lingap Sa Mamamayan". Bukod dito, mayroon rin silang mga serbisyong pangkomunidad gaya ng paglilins ng lansangan, pagtatanim (tree planting project) at pag-dodonate ng dugo.
saan ang totoo na answer?
ReplyDeletewala answer para sa assign pa rin e
ReplyDeleteayon sa kasaysayan, Malinaw na ang mga muslim ang Unang namuhay sa pilipinas at maganda, mayaman, mapayapa, nasa tama ang kanilang pamumuhay at pananampalataya.
ReplyDelete