Di Mo Kaya ang Mag-Isa
Sa palagay mo ba buhay mo’y sasaya
Kung sa sarili mo ika’y nag – iisa
Hindi bat nararapat humanap ka ng kasama
Kaibiga’ng aagapay sa tuwi- tuwina
Kapag ika’y nalulungkot , kanino ka lumalapit
Kapag nais mong magsumbong sino ang siyang nakikinig
Hindi ba t’ ang kaibigan na lagi mong kapanalig
Sa buhay mo’y tumutulong kapag ika’y nagigipit
Kapag ika’y masaya punong - puno ka ng ligaya
Kaibiga’y naririyan kasabay mong tumatawa
Halakhak niya’y nagsasabing siya ri’y maligaya
Kaisa mong natutuwa dahil ika’y masaya
Kapag ika’y lumalakad, sino ang siyang sumasama
Hindi ba’t ang kaibigan na laging handa sa twina
Kung hindi man niya kayanin ang masamahan ka
Agad siyang nagsasabing, mag-ingat ka sana
Kapag ika’y may problema, malaki man o maliit
Kaibiga’y naririyan at sayo’y lumalapit
Kamay mo’y pinipisil, luha mo’y pinapahid
Sabay sabing nariyan siya, di ka dapat maligalig
Kapag ika’y nililito sino ang siyang nangangaral?
Sinong nagtutuwid ng mali mong gawi’t asal
Hindi ba’t ang kaibigan na sayo’y gumagabay
Sa paglalakbay mo’y siyang umaakay
Ngayo’y sabihin mo kung kaya mong mag-isa
Kung kaya mong mabuhay ng wala siya
Di’bat hindi katoto ko, hindi mo ito kaya
Sapagkat itong kaibigan kaagapay mo sa tuwina.
No comments:
Post a Comment