Search for Fillipino Article

Custom Search

Thursday, December 25, 2008

Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan Ni Simon A. Marcelo






“Walang mangyayari sa balat ng lupa,

Di ma’y kagalingang iyong ninanasa.”



Kumislap ang isip ng pantas na malay

At ang sandaigdig ay naliwanagan

Nagsipamulaklak ng dunong na yaman

Ang nangagpunyaging paham na isipan;

At tayo’y nagising sa bagong kandungan

Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!



Natuklas ng dunog na kahanga-hanga

Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;

Tila niloob ng Poong Bathala

Na tayo’y matapos sa sariling nasa;

Nakapabingit na sa pagkariwara

Ang ating daigdig na lutang sa luha!



Sa bagong liwanag ng pagkakasulong

Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;

Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,

Nalakbay ang langit ng bakal na ibon,

Nasisid ang mga dagat na maalon

Ng taong palakang nagwagi sa layon!



Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas

Narating ang buwan ng bakal na limbas;

Noon naman unang sa buwa’y lumunsad

Ang dalawang bunying astronauts na tanyag;

Subalit hindi pa lubos na matiyak

Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.



Sa niyanig – yanig ng mundong mabilog

Kapag may malaking bombang sinusubok,

Ang ehe ng mundo, ay baka mahutok

At saka malihis sa kanyang pag-ikot,

Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos

Dahils sa paghinto ng kanyang pag-inog!



Hindi lamang iyan, may panganib pa ring

Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,

Sa dalawa kayang malakas ay alin

Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?

Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,

Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil!



May panganib pa rin sa bawat pagsubok

Ng bombang may lasong buga sa fallout;

Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot

Higit na mabangis sa alinmang salot;

Pag ito’y kumalat ay katakut-takot,

Walang mabubuhay sa buong sinukob!



Sa ngayon, sa hanging ating nilalanghap

Ay may kahalo nang maruruming sangkap;

Kapag ito’y hindi nalunasan agad

Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;

Kung bakit ang tao’y habang umuunlad

Saka nalalapit na lalo sa wakas!



Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang

Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,

Sa dalawang pook na pinaghulugan

Ay napakaraming nakitlan ng buhay;

Kung ang ibabagsak ay bombang panggunaw

Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan!



Pag bombang agawton ang siyang ginamit

Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,

Dahilan sa lakas na napakalabis

Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;

Huwag nawa sanang loobing ng langit

Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!



Ang pag-uunahan ng dalawang lakas

Na sa kalawakan ay magharing ganap,

Ay nagbababalang di na magluluwat

At tayo sa digma’y muling magsisiklab;

Maanong loobin ng nasa Itaas

Na huwag na sanang dumating ang wakas!



Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto,

Cambodia’t Vietnam, nag-iipu-ipo;

Ang hihip ng hangin kapag di nagbago

Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;

Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo

At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!



Nais na lamugin ng Maso at Karit

Kung magagawa lang, ang lupa at langit;

Ang Agila naman sa pagpupumilit

Na siyang mauna’y hindi matahimik;

Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis

Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?



Wala pang sanggol sa kasalukuyan

Sa pagbombang higit ang bilis sa ingay,

Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay

Di makahanda nais mang lumaban;

Dahil dito kaya dapat pagsikapan

Na mapagkasundo ang sangkatauhan!



Hindi nga masamang ang Tao’y

Lalo kung may mithing dakila at tapat,

Pagkat likas lamang sa taong maghangad

Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,

Nguni’t ang masama’y ang magpakapantas

Upang ang mabuting binuo’y iwasak!



Di dapat gumamit ng mga sandatang

Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;

Idalangin nating magkaisa sana

Ang sangkatauhan sa mithi at pita;

Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata

Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!



Kapag nagkaroon ng lason sa tubig

Gayon din ang hangin na dating malinis,

Lahat ng may buhay sa Silong ng langit

Ay matatapos nang parang panaginip;

Saka lamang naman magiging tahimik

Kung dito’y wala nang mga manlulupig



Dahil dito kaya kinakailangang

Iwasabn ang imbot at mga hidwaan;

Pagsikapan nating tuparing lubusan

Ang aral na tayo ay mangan-ibigan;

Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang

Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!



Agawin sa kamay ng imbot at inggit

Ang kapayapaan nitong sandaigdig;

Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit

Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;

Ang Diyos ay gising, di ipagkakait

Ang Kanyang saklolo sa api at amis!



Kapag ang Ama nang Makapangyarihan

Ang siyang nagtanggol sa aping kat’wiran,

Hindi maglalao’t ang sangkatauhan ay

makakandon sa ang kalwalhatian;

Saka ang ligalig na sandaigdigan

Ay mahihimbing na sa katahimikan.

114 comments:

  1. e-post nyo nman ang mga larawang diwa sa tig-iisang saknong...........

    wish ko lng sana pra sa project ko pls.........

    ReplyDelete
  2. Hi, I just wnt 2 say thank u , dahil d2 sa blog u nkagawa me ng project pra sa clearance nmin, thanks talaga, napakagnda tlaga ni2ng blog u, unang kita ko plang ngandhan na me, sana ipgpatloy u pa ang pggawa ni2, as in super ganda tlaga ni2 2 da highest level na, pa add nman poh sa fs, search nlng poh nym koh, Im Macy Marudo, cge thanks poh ulit.

    ReplyDelete
  3. anu pung teorya eun?

    ReplyDelete
  4. wla po bag article about dun???

    ReplyDelete
  5. ,,,slamat ,,,dhil sa iyong ginawa,nkagawa kmi ng aming project slamt sa iyong tulong,,,,

    ReplyDelete
  6. ano ang buod nyang putang inang tulang yan gago
    nd ko magets punyeta
    wala kwenta

    ReplyDelete
    Replies
    1. walang kwenta yan para sa iyo kasi sa tingin ko walang laman iyang utak mo kundi laro2x mahina standard mo tol!!!!

      Delete
    2. Lang hiya tong taong to AH! i subs
      ub ku mukha mu jan sa monitor EH .. Upang malaman Mu Ang tanong mu,. punyeta ka ata bata ka eh ! >.<

      Delete
    3. WLA KA NA PO BA MASABI ..SANA MAN LANG PO MAAPPRECIATE MO..TRY MO KAYA.... THANKS PO SA PAGE NA TO ..NAKATULONG PO SAKIN !!!!!!!!!!!!!!GODBLESS PO

      Delete
    4. lang kwenta yang nagcomment na yan di marunong umintindi

      Delete
    5. pasalamat ka nga na may nag bigay sayo ng tulang iyan..........cguro makitid yang utak mo.nag search kapakung baliwalalang man sa iyo..........but for me thankz a lot


      Delete
  7. ang sama mo naman renren... XD peace tayo.

    bad iyan. AHAHAH....

    pagtiyagaan mo nalang. mgnda nmn ung thoughts niya eh. prng may own perspective siya about modernity and such. XD

    may negative at positive. :)

    un lng un. pra sakin. assignment din ksi namin iyan eh. XD

    sna may mas clearer/ambiguous explanation para sa mga mkkbsa ng blog mo.. kung sino ka man. *smiles*

    para mas madaming response ang mga tao. XD

    maganda ang blog mo. promise. :)

    thanks sa blog mo. :)

    god speed.

    ReplyDelete
  8. D po ba Simon A. Mercado yug pangalan nung author?? Confirm ko lang

    ReplyDelete
  9. (",elow poh tnx poh s ginwa ninngong tula,,,ang gnda poh,tnx kc ngwa q ang assinment q.....

    ReplyDelete
  10. mali ang pagawa mo ng tula

    ReplyDelete
  11. meron po ba kayong alam tungkol sa buhay ng may akda na si simon a. mercado?

    ReplyDelete
  12. May Slogan ba para dyan sa tula na yan.... kasi kailangan ko para sa assignment ko!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  13. hei,,can u please give me d literal meaning of those parables w/ figure of speech..and the meaning of those by d use of d author,,tnx^_^

    ReplyDelete
  14. hi i just wanna say thanks 4 making this blog such this wonderful....

    ReplyDelete
  15. pwede u vang ibigay kung anu-ano ang ipinahiwatig ng bawat saknong? hirap kasing intindihin eh...nakakaluka...project kasi namin eh....ok lang va?.....pls?????

    ReplyDelete
  16. punyetang tula wala
    manlang akong naintindihan
    kahit isa langya naman oh

    paki ilokano u nga baka
    sakaling maintindihan kopa

    ReplyDelete
    Replies
    1. mabuti pa ikaw na lang ang mag translate nag uutos ka pa wag ka ang mag comment ng masasama at huwag ka ang bumasa pa kasi nakaksira ka lang sa damdamin ng iba !!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :p

      Delete
    2. CGE ILOKANO !!!hahahaha ok ah translate q like mo po? thankful nlang kau kc gnawa nla

      Delete
    3. hahahaha.... try mo kayang pag-aralan ang pambansang wika natin para di ka punyeta ng punyeta diyan... :) XD peace.. :P

      Delete
  17. p3de bang malaman kung anong teorya meron 2

    ReplyDelete
  18. idol... thankyou sa info,dahil sau ngawa project k

    useful k tlaga

    add m ako facebuk i2:
    shadow_ih456@yahoo.com

    thankyou

    ReplyDelete
  19. ano po ang ibig ipahiwatig ng ika-7 talata

    ReplyDelete
  20. hello ang ganda marami po kaming natutunan

    thanks a lot..

    keep up the good work

    ReplyDelete
  21. may slogan ba para dito??? kailangan ko po para sa proyekto nmin sa fil.

    ReplyDelete
  22. hai there...
    it really help me a lot
    but i hope you can give more information about the authors

    ReplyDelete
  23. ahm dba simon mercado??? ayt!!! not aq sur dyan... not kc same ang nym ehh.... EeHh!!! >.<

    ReplyDelete
  24. sino b si simon a marcelo

    ReplyDelete
  25. any info about kay simon marcelo

    ReplyDelete
  26. ang tula ay teoryang pormalismo

    ReplyDelete
  27. basahin nyo po kc ng mabuti kung iintindhin nyo ng mabuti mas madali nyong maintindhan........... hnd puro init ng ulo ang inilalabas nyo....

    ReplyDelete
  28. at tsaka wag po puro mura ang ilabas nyo sa bunganga nyo kc hnd naman po kayo inaano ng tula..........

    kung hnd nyo maintindihan........ basahin nyo lng ng basahin ang bawat saknong i make sure maiintindihan nyo yan.....

    at hnd nyo ba po alam na nanay nyo ang minumura nyo.......

    ReplyDelete
  29. tama po c simon mercado ang sumulat nyang tulang yan..........

    ReplyDelete
  30. amazing ! that's all i could say.

    talented talaga mga PiNOY. affirmative. hehe

    ReplyDelete
  31. anu po kaparehong tula nito?

    ReplyDelete
  32. ipaliwanag nyu nmn ung pang 7,8,9 na saknong..plz...report lng nmen!

    ReplyDelete
  33. pki pliwanag nman yung saknong 1-3

    ReplyDelete
  34. ibigay inyo n naman yung kariktan o mkagandahan ng tula para sa peport ko plssssss sana buka makikita ka na

    ReplyDelete
  35. tnx po sa copy ng tulang ito,,hehe....thankzz very much,,gnda ng meaning..,

    ReplyDelete
  36. ```waLa bang buoD to??? tapoZ reaksyoN??~``

    ReplyDelete
  37. pegasus @ sazuke 4 everOctober 27, 2011 at 7:12 AM

    sure ka ba na pormalismo ito kasi may resitation kami dito at always tinatanong ni ma'am ang tungkol sa teorya............hehehehehehehehehehehehehehehehe.........././////////.///...................////////////............ay naku zino ba kasi ang nagpasimula ng paggawa ng tula.............????????????????????????sana hindi mo na lang ginawa ang tula hindi na sana mababa ang grade ko sa filipino,,,,,,,,,,,,,,,,............................sana joke na lang ang ginawa mo tulad nito: Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?

    ReplyDelete
  38. hi ur name is cute..........i like it<->

    ReplyDelete
  39. ano ba ang teoryang ginamit ng tulang mga hudyat ng bagong kabihasnan??????

    ReplyDelete
  40. bigyan nyo nman ako ng larawan,,,please

    ReplyDelete
  41. sana naman pag nag blog ka ng ganito may ibig sabihin bawat talutud para maintindihan nu

    ReplyDelete
  42. thank you very much to this poem...
    ang ganda ng mensaheng nais iparating ng may akda sa atin...
    nakakalungkot namang isipin na hindi na a-appreciate at nauunawaan ng iba ang tula...
    wikang pambansa pa naman ang ginamit...

    ReplyDelete
  43. ikinalulugod ko na mayroong nagtiyagang gumawa nito!!sobrang malaking tulong po sa mga students!!!

    ReplyDelete
  44. sana wag niyo nang iasasa pati ung responsibilidad na dapat senye1at least nga naging mas mabilis ung paghahanap niyo sa tula kesa mag hanap pa sa mga books!

    ReplyDelete
  45. pwede ko po ba malaman ang talambuhay ni simon mercado ? salamat po

    ReplyDelete
  46. paano po nagsimula ang [agtuklas ng ibat ibang mga kagamitan tungo sa kabihasnan ???

    ReplyDelete
  47. paano po nagsimula ang pagtuklas ng ibat ibang mga kagamitan tungo sa kabihasnan ???

    ReplyDelete
  48. Bakit po teoryang pormalismo ito?

    I mean paano niyop po nasabi? Tnx

    ReplyDelete
  49. Buti nalang po may ganito! pero paano pong nasabi na ang obra maestrang ito ay nabibilang sa teoryang pormalismo ? Plzz po pasagot !!

    ReplyDelete
  50. ang lalim naman ng tagalog! ! ! arrrrrggg! ! ! !

    ReplyDelete
  51. ANU PANG IBANG TlA NA PAREAHAS NYAN !! ??

    ReplyDelete
  52. some of the readers have not been satisfied ,, but for me .. it's great :) thanks a lot .. :**

    ReplyDelete
  53. pwede patulong nmn po sa mensahe at aral ? tnx po..

    ReplyDelete
  54. napaka ganda po ng iyong tula sana mataohan na anmg mga tao para mag bago at magising sila sa katutuhanan naging insperation ko po ang ginawa nyong tula salamat po

    ReplyDelete
  55. maraming salamat po sa inyo ginoo symon mercado sa napaka gandang tula inihanda mo sa madla


    andreajoy permejo

    ReplyDelete
  56. puede po bang magtanong kung ano ang sinisimbolo ng salitang "eden" at "maso" sa tula?

    ReplyDelete
  57. salamat may ulat basa n ako^_^

    ReplyDelete
  58. Ibig pakahulugan ng mensaheng ito ay kapag nagpatuloy pa ang pag-uunahan/pag-aaway away ng iba't ibang bansa ay maari itong humantong sa malagin na digmaan na makaaapekto sa ibang bansa.Marami rin pwedeng makitil na buhay dito. Isa pa sa mensahe nito ay Kapag tumuloy tuloy pa ang pag-uunahan sa agham ay maari itong makaapekto sa kalikasan at makapagdulot na isang nakakakilabot na delubyo dahil sa hindi natin pagmamahal sa nilikha ng diyos. YUN LANG PO :)
    ADD ME IN FACEBOOK Janine Tagabi hehe

    ReplyDelete
  59. ANG SINISIMBOLO NG BAWAT TULA AY

    MASO- (RUSYA) pamukpok na bakaL
    KARIT- (TSINA) paggapas ng palay
    AGILA- (AMERIKA)
    EDEN- PARAISO
    LIMBAS- taong mabilis at matapang

    add me in facebook Janine Tagabi

    ReplyDelete
    Replies
    1. ..tnx po ate.. nakatulong po 2 sa ass.. q

      Delete
    2. sana nga lang po tama.. god bless

      Delete
  60. May panganib pa rin sa bawat pagsubok
    Ng bombang may lasong buga sa fallout;
    Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot
    Higit na mabangis sa alinmang salot;
    Pag ito’y kumalat ay katakut-takot,
    Walang mabubuhay sa buong sinukob!
    ANO IBIG-SABIHIN NG SAKNO ITO? PAKI-EXPLAIN BA! (;
    AT ANO-ANU ANG MGA PAHIWATIG ANG MERON SA SAKNO NA ITO? ANG MGA IDIOMS BA. :D THANK YOU.

    ReplyDelete
  61. May panganib pa rin sa bawat pagsubok
    Ng bombang may lasong buga sa fallout;
    Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot
    Higit na mabangis sa alinmang salot;
    Pag ito’y kumalat ay katakut-takot,
    Walang mabubuhay sa buong sinukob!
    ANO IBIG-SABIHIN NG SAKNO ITO? PAKI-EXPLAIN BA! (;
    AT ANO-ANU ANG MGA PAHIWATIG ANG MERON SA SAKNO NA ITO? ANG MGA IDIOMS BA. :D THANK YOU.

    ReplyDelete
  62. ano po ba ibig sabihin ng “ Walang mangyayari sa balat ng lupa, Di ma’y kagalingang Iyong ninanasa.” please i need it na eh :(

    ReplyDelete
  63. pwde ba ninyong ibigay ang meaning ng bwat saknong... ^_^ XDD

    ReplyDelete
  64. pwede bang ilagay nyo ang kahulugan ng bawat saknong

    ReplyDelete
  65. tnx ganda ng tula mo !!!

    ReplyDelete
  66. Sino po si simon A. Mercado ?
    Please Answer ((:

    ReplyDelete
  67. nice blog thank you nakagawa ako ng project salamat tlaga sa blog

    ReplyDelete
  68. `AYT ..! wLang expLanation

    ReplyDelete
  69. ang ganda naman po nito napakaganda nang tula ni simon marcelo ...

    ReplyDelete
  70. pwede ba ibigay ang ibig sabihin ng bawat saknong////////

    ReplyDelete
  71. ang haba-haba naman...nakakatamad basahin

    ReplyDelete
  72. ano ang gustong ipahiwatig sa tula? saan tungkol ang tula ?

    pakisagot ' report namin ngayon ' hindi ko alam kong ano ang sagot... plssssssssss

    ReplyDelete
  73. ganda ng tula pwede po bang sabihin ang talambuhay ni simon a. mercado plz...

    ReplyDelete
  74. Hindi po ba't si Simon A. Mercado ang nagsulat nito? Pakiulit ho at nang hindi malito ang ibang mambabasa. Salamat po sa inyong kabutihang loob na ito'y inyong ipaskil at siyang nakatutulong sa mga mag-aaral na tulad ko. Salamat po.

    ReplyDelete
  75. Amp si Simon A. Marcelo po talaga ang pangngalan ng may akda... topic po namin sa panitikan III

    ReplyDelete
  76. Amp si Simon A. Marcelo po talaga ang pangngalan ng may akda... topic po namin sa panitikan III

    ReplyDelete
  77. ty po because of this na save ang 35 %of our grade thank you!

    ReplyDelete
  78. paki explain nman po ung nga bwat SAKNO oh ^_________^

    ReplyDelete
  79. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  80. 1st - pag-unlad
    2nd - pagtuklas
    3rd - pag-aaral
    4th - kawalan ng katiyakan
    5th - kapahamakan
    6th - pagtataksil/ paglilinlang
    7th - pagkalason
    8th - kapahamakan
    9th - katapusan
    10th - paglaho
    11th - digmaan
    12th - karahasan
    13th - kapangyarihan
    14th - pagkasundo
    15th - mapaghangad
    16th - panalangin
    17th - kahulihan
    18th - pagkakasala
    19th - pananalig
    20th - makapangyarihan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice one ate! Buti nalang sinabi mo ang buod ng bawat saknong! Kahit papaano ay na a-absorb ko na ang ibig sabihin ng tulang yan. Salamat & God Bless! :)))))

      Delete
    2. thank you po :)

      Delete
  81. ... tnx. Ate Jean :))

    ReplyDelete
  82. ... tnx. Ate Jean :))

    ReplyDelete
  83. thank you dahil sa tulang to nalinawan ang aking isip

    ReplyDelete
  84. salamat po dito sa ginawa mo po makakagawa na ako ng assignment :)

    ReplyDelete
  85. si Simon Marcelo po ba ang author o Mercado ?

    ReplyDelete
  86. wow! nyce ng tula..:> tnk'z pala sa nag buod..,god bless you pho!!!

    ReplyDelete
  87. awesome ng poem :) ...bakit poh pla "Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan"' ang title???
    GOD BLESS :)

    ReplyDelete
  88. ..anu puh yung full name ni simon mercado ??

    ReplyDelete
  89. ang gulo po? simon mercado or simon marcelo?

    ReplyDelete
  90. Db Po Simon A. Mercado ?
    Ano Po ba ang Tama ?
    Simon A. Mercado Or Simon A. Marcelo ?

    ReplyDelete
  91. pwede po bang pakiexplain po kahit konting buod lang po hindi ko po kasi maintindihan yung iban parte po ng tula, masyado po kasing complicated, hindi pa naman po ako ganun kagaling sa malalim na filipino.

    ReplyDelete
  92. isa po ba itong tradisyunal na tula o malayang taludturang uri ng tula?

    ReplyDelete
  93. anu po ba ang ibig ipahiwatig ng akdang ito?

    ReplyDelete
  94. Anu po ang kahulugan ng mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa unang saknong ng tula?

    ReplyDelete
  95. ano ang tagpuan nila o panahon

    ReplyDelete

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?