Search for Fillipino Article

Custom Search

Sunday, April 18, 2010

Ang Bato Ni Jose Corazon de Jesus



















Tapakan ng tao, sa gitna ng daan;
Kung matisad mo’y iila-ilandang
Ngunit pagkatapos, pag ika’y namatay,
Bato ang tatapak sa bangkay mo naman

Batong tuntungan mo sa pagkadakila,
Batong tungtungan ko sa pamamayapa;
Talagang ganito sa lapad ng lupa
Ay hali-halili lamang ang kawawa

Balot ng putik, marumi’t maitim
Tinapyas at, aba! Brilyanteng maningning!
Sa putik din pala ay may bituin din
Na hinahangaan ng matang titingin

Maralitang tao’y batong itinatapon,
Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy;
Nag-aral at, aba! Noong makaahon,
Sa mahirap pala nar’on ang marunong

Ang batong malaki’y kay daling mabungkal,
Ang batong brilyante’y hirap matagpuan,
Ubod laking tipak, mura nang matimbang.
Ga-mata ng isda’y pagkamahal-mahal.

Talagang ganito, madalas mamalas
Sa alimasag man ang malaki’y payat;
May malaking kahoy sy sukal sa gubat,
May mumunting damo, ang ugat ay lunas.

Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba!
Batong nasa agos, makinis, maganda,
Batong nasa gilid, bahay ng talaba,
Sadlakan ng dumi at nilulumot pa.

O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos,
Habang tumatanda’y lalong nilulumot.
Kapag agos ng palad, ang takot sa agos.
Malayong matutong lumangoy sa ilog

Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwang
Nang makaluto ka ng kanin sa kalan
Mapurol mang gulok at kampit na batingaw,
Mapapatalim din ng batong hasaan.

Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya,
Ang talim ng isip, tabak ang kapara;
Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa,
Bukas-makalawa’y magiging pantas ka.

Kapag, nagkapingki bato mang malamig,
May talsk na apoy na sumasagitsit;
Ang noo ng tao, kapag nagkiskis,
Apoy ng katwiran ang tumitilamsik!

At saka ang bato ay may katarungan,
Taong nilulunod na bato ang pataw,
Kung taong masama’y di na lumulutang,
Ngunit kung dakila’y pumapaibabaw

19 comments:

  1. pls.paki post mo nman lht ng works ni jose corazon de jesus...plz...tnx!!!!!

    ReplyDelete
  2. ano po ang ibig sabihin ng bawat saknong... pls answer

    ReplyDelete
  3. Kulang po ito ng mga saknong, kalahati pa lang po ito nung tula

    ReplyDelete
  4. anu poh ang sukat tugma uri ng tula at uri ng taludturan ng tula pong ito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito ay isang Blangkong berso na tula.. Ang bilang sukat nito ay lalabindalawahin at ang uri ng tugma nito ay Tugmang Di-ganap..

      Delete
  5. IPALIWANAG PO ANG BAWAT ISA NG ISTANSANG ITO?PLZ!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  6. hello po, super taas po ang tula na ito-i remember my buk po na panitikan ang papa ko,binabasa sa amin ni mama when we were kids,.pki-post po lahat please-kasi di ko na ma-locate ang buks ng papa ko po,.thanks,.,

    ReplyDelete
  7. bakit po mag kaiba ang mga nakasulat sa libro kaysa d2 at kulang po ung mga saknong

    ReplyDelete
  8. pambihira...wish q lang pag uwi qng pinas andun pa ng book q n2..kulang kulang kc e2 eh.....paki kompleto nman po..plz..

    ReplyDelete
  9. q3wtretrrsftyearygdfzry vyhtrn bcgcfu7jm vb

    ReplyDelete
  10. dapat 12 na pagpapantig sa bawat taludtod...!!!!
    !!!

    ReplyDelete
  11. hello po--may mga kulang po ito at iyung iba words eh medjo iba po dun sa old book ng papa ko... pero thanks po for posting--nkaka-refresh po-

    ReplyDelete
  12. ang bato ay simisimbo na parang sa tao rin

    ReplyDelete
  13. ano po ang ibig sabihin ng "Talagang ganito, madalas mamalas
    Sa alimasag man ang malaki’y payat;

    ReplyDelete
  14. Ano pa ba ang bato sa tula pls sagut po kayo

    ReplyDelete
  15. Mga bigay naman kayo ng tayutay at idyoma sa tulang ito

    ReplyDelete

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?