Search for Fillipino Article

Custom Search

Sunday, April 18, 2010

Gutom ni Wilfredo P. Virtusio



Kita talaga ni Bobot ang nangyari. Hagip na Hagip ng kotse ang batang anak ni Aling Gunding . Umilandang at bumagsak sa sementadong bangketa. Sabog ang ulo.

Pumunta siya sa unang gabi ng lamay. Nagtaka siya. Ang dami kasing pagkain : soft drinks, juice, tinapay na may margarina, fried chicken. ‘Samantalang sina Aling Gunding , alam niya, ay walang pagkain madalas. Wala na kasing asawa at lima ang anak.

Pareho lang naman ang buhay nila ni Aling gunding. Kahit nga may tatay pa silang magkakapatid, gutom pa din sila. Madalas nga, minsan lang sila kumain maghapon.
Kung biglang nagkaroon ng maraming pagkain sila Aling Gunding, narinig niya sa mga kwentuhan ng mga nagsisipaglamay.

“Nagbayad kasi ‘yong nakasagasa” sabi ni Petrang Bungangera. “Balita nga,” sabad naman ng isa, “sagot ang lahat ng gastos.”

“Saka, binayaran pa raw ng libu-libo bukod sa mga gastos,” sabi pa ng isa.
Suwerte talaga, naisip din ni Bobot. Sabi tuloy niya sa nanay niya.

“Namatay lang ‘yong anak, ang dami na ka’gad pera,” sabi niya. Pinandilatan siya ng nanay niya. “Sus, s’werte ba ‘yo’y namatayan na nga …”

Pero swete talaga, parating naiisip ni Bobot. Lalo na kung nasa bahay siya at nakikitang nag-aaway ang tatay at nanay niya. Istambay kasi ang tatay niya. Madalas pang lasing. Naglalaba lang ang nanay nila para kumain sila. Kaso, pito sila.

“Kung me pera lang kami,” madalas ay naiisip niya. Di sana sila ganoon, sana, di sila sa iskwater nakatira. Sana, di parating nag-aaway ang nanay at tatay niya. Sana, di nahinto sa eskwela… pati ang mga kapatid niya.

Marami pa ngang sana kung may pera lamang sila… kaso, wala nga.

Kaya, hayun gutom sila. Nangyari tuloy, ewan niya talaga kung bakit, minsa’y nagpunta na lamang siya sa bungad ng malaking kalsada. Pinapanood niya ang nagdaraanang sasakyan. Dyip, Trak, bus, kotse. Marami, magaganda, magagarang kotse. Kasingganda niyong nakasagasa sa anak ni Aling Gunding. Mayayaman ang sakay. Kasing yayaman niyong may-ari ng kotseng nakasagasa sa bata.

“Ano kaya kung…”
Pero hindi niya Itinuloy ang iniisip. Natakot siya. Sigurado, masakit iyon. Saka, parang narinig niyang hindi tinatanggap sa langit iyong gumagawa niyon. Saka, nalungkot din siya. Siyempre iiyak ang nanay niya. Baka hindi na siya makakalaro.

“Pero kung…”
Di na maglalaba ang nanay niya. Di na iiyak si Boyet at iba pa niyang maliliit na kapatid. Di na kasi magugutom

Hapon na lamang ay patayu-tayo na siya sa bungad ng malaking kalsada. Inabo na siya ng dilim. Ayaw pa niya umuwi. Kung puwede nga lang, di na siya uuwi. May sakit kasi ang nanay niya. Kung may ilang araw na. Ubo ng Ubo. Siguro may TB na nga, paris ng sabi ni Boyet.

Gabi na naroon pa rin siya. Masakit na ang tiyan niya. Parang papel na nilamukos ang bituka iya. Kasi, kahapon pa siya di kumakain ng kahit na ano. Siguro, Iyak ng iyak sa bahay sina Boyet. Mas lalo kasing di nakatitiis ng gutom ang mga kapatid niya.

Nahilo na siya. Kung anu-ano na ang mga nakikita niya. May etrelyang kung anu-ano ang kulay. May lobong sari-sari rin ang kulay, lumilipad nilalaro ng hangin papunta sa langit. Totoo kaya ang langit?

Pagkatapos nakita niya ang kotseng iyon. Kulay asul. Maka-uniporme ang tsuper. Saka iyong babae sa likuran, ang garbo ng ayos. Ang kikintab ng mga Alahas.

Patakbong sinalubong ni Bobot ang Kotse.

No comments:

Post a Comment

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?