Search for Fillipino Article

Custom Search

Friday, September 19, 2008

Sa Pula, Sa Puti Ni Francisco "Soc" Rodrigo





Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)

152 comments:

  1. aha, kapamilya ka pala ha. sorry na lang kapuso ako.

    ReplyDelete
  2. thanks sa pagpopost nito,, lesson kasi namin to sa Filipino III..

    ReplyDelete
  3. dude!!! salamat!! kung hndi mu pinost 2 d aq mkkagwa ng assignment q!!

    ReplyDelete
  4. slamat..pinost muh tuh..ala kxeh aq lecture ni2 eh...

    ReplyDelete
    Replies
    1. kami ren eh,exam namin tungkol dito,ty much......

      Delete
  5. Salamat po sa pag post nito...
    Ngayon may assignment na ako...
    God Bless!

    ReplyDelete
  6. salamat ah nagawa ko na rin ang assignment ko hehehehe tanx god bless you

    ReplyDelete
  7. pwede ba makuha # mu hehehe im daisy.

    ReplyDelete
  8. sLamat po sa pag.post!.. hehehe

    -wraztagaL-

    ReplyDelete
  9. thnk you for posting this.. kagaya rin ng iba asynment ko rin kc hehehe. binasa ko rin pla ung texts sa side nyz din nman.

    ReplyDelete
  10. thnkz! nagka assignment ko! haha.

    ReplyDelete
  11. sALAMAT SA pAGPOST. hIRAP KAYA HANAPIN. salamat

    ReplyDelete
  12. .... ang ganda poh nitong kwento...



    sana my next story ito,....

    ReplyDelete
  13. buti na lang pinost mo to, kundi tanggal ako sa play!!
    salamat!!

    ReplyDelete
  14. GRBE.. SUPER THANKS SAYOO!!!! AMBAET MO.. SNA KUNIN KNA NI LORD..JUKX. THANKS TLGA!!! I LOVE YOU NA.WAHAHAAH. YIEE

    ReplyDelete
  15. Thank u po s pgpost!! hirap hanapin! buti nalang merun dito, naiwan k kasi libro k s skul haha.. :P

    ReplyDelete
  16. ..........i didn't know you.
    ...........buti will say hello to all or to you.......

    ReplyDelete
  17. uii salamat salamat:D
    pero..pandagdg info lang tol..
    ano yung mensahe na pinapahatid dito??

    ReplyDelete
  18. pwede po bang bigyan nyo ko ng 3 pang dulang komedya. kailangan ko na po hanggang bukas. kaya po ba? send nyo na lang po sa email ko. oshororo_daltonism@yahoo.com. tnx po!

    ReplyDelete
  19. THANKS! i have research na! SALAMAT!

    ReplyDelete
  20. maraming2 salamop.....

    dhil pinost po ninio ito!!!

    tnx.....

    kailagan ko ito....

    ReplyDelete
  21. wala pu bng buod?????

    ReplyDelete
  22. meron pa po bang ibang dulang may 10 characters?

    ReplyDelete
  23. ang buhay talaga,hindi mo maipaliwanag tulad ng sa dulang ito.

    ReplyDelete
  24. maraming mga pangayari sa buhay natin tulad nito.ang buhay talaga,hindi maipaliwanag.

    ReplyDelete
  25. phAxaWay_ghurL Said..... heeppyeah'. thankz poe kac kinapupulutan ng aral ito ;ngawa qoe na ang portpolio` .hai sa mga IRONIANZ;;; may katudlong pa poe sana ito?. october 25, 2009 2:22 PM

    ReplyDelete
  26. dude... tnxtnx po sa pagpost nito kung d dahil sayo la akong maisusulat sa sulatin

    ReplyDelete
  27. ,grvi pO ang pnagawa skin abOt d2..
    ,term paper po kc nmin i2 sa literature.
    ,plzzz po ..
    ,hElp!!!!!
    ,thnx's pohhh..

    ReplyDelete
  28. thanks ah!!!! dahil sayo may idea na ako kung paano makagawa ng summary ng sa pula sa puti (^.^)

    ReplyDelete
  29. tnx sa pag post...nagkaAsSignment din...jejeje
    tnX a lOt

    ReplyDelete
  30. maraming thank you maq post kpa

    ReplyDelete
  31. may english versioba to"?:""

    ReplyDelete
  32. .. haizst saLamat !! .mai report na rin acu !!peu ang haba kapagud !!

    .tenkiu na rin !!
    .ng marmai :)

    ReplyDelete
  33. haLLuw poh...thank you sa pag post nito...heheh...assignment kasi namin to...thank you tlga,,,the best sysa my quotes pang kasama.... "singLeLady_meRs19"

    ReplyDelete
  34. jd

    maraming salamat kac lesson n nmin 2 sa filipino III tNx tlga ..

    ReplyDelete
  35. tnx may report kasi kami sa filipino eh!!!

    ReplyDelete
  36. hehe tenx huhu report
    namin sa filipino 3 hehe add me
    in facebook =rhianmonacillo16@yahoo.com hehe tenx!

    ReplyDelete
  37. thanks, sipag mu aman.. hehehe

    ReplyDelete
  38. may buod ka ba ni2?

    ReplyDelete
  39. sana binuod mu din

    ReplyDelete
  40. kainis gs2 ko ung buod .......T-T

    kailangan ko sa project ko ...T-T

    ReplyDelete
  41. yung buod poh ang kailangan q mayroon k ba??

    need q poh ksi

    ReplyDelete
  42. yAn aNg nApala sA mgA sAbungiRo


    Jejejejej!!!!!!!

    ReplyDelete
  43. dapat may talasalitaan din.

    ReplyDelete
  44. sana naman i-buod mo...para kung may kailangan ng buod madali makakita sa account mo...anyways thanks for the idea...

    ReplyDelete
  45. Ok itong site na ito. Ok din ang may ari nito. Kaya di masyado kasi kapamilya. Kapuso ako. Anyway, I'm happy to know that somewhere out there is a Filipino like you- who still cares to be a Filipino- care enough to bring out the best of our heritage. I salute you... you give me an idea. Perhaps I have to do something in my blogsite too. thanks for inspiring me...

    ReplyDelete
  46. thanks for the idea,,,,muah!godbless...

    ReplyDelete
  47. thank you very much for posting this!
    assignment kse namen to then i forgot my book sa locker ko soo thank you thank you very much !

    ReplyDelete
  48. i like this.. this will help many students, so stay strong

    ReplyDelete
  49. Sana paki gawan naman nang SURING BASA ung KWENTO!!!

    ReplyDelete
  50. ala na ibang dulng komedya?

    ReplyDelete
  51. HEY.... TNX U HAD HELP ME AL LOT IN THIS REPORT..HEHEHE

    ReplyDelete
  52. bigyan po ninyo ako ng 3 dulang pangkomedya plssssss nid ko po kc eh!!!!thxxxxxxx Send ninyo n lng po sa e-mail ko lovino_jayvince@yahoo.com

    ReplyDelete
  53. plsss poh nid ko yun hanggang bukas lng po kc eh!!!!salmt po sa mabgbibigay

    ReplyDelete
  54. Peng link ng BUOD NG dulang ito plsss....SALAMAT

    ARIGATO!!!!

    ReplyDelete
  55. ♥♦♣♠ Mr.yoso♥♦♣♠September 14, 2010 at 3:48 AM

    SALAMAT !!!! pluma III page 61

    ReplyDelete
  56. 05-12-10
    .. tnx
    yie...
    .. love you baby cresh hahah !!

    ReplyDelete
  57. Hey may assignment ako dito please help niyo naman ako. Yung assignment ko kasi...Isulat ang negative na ngyare sa storya na papalitan ko na mas mainam na dapat ngyare.. Ui help naman! po!! :)

    eto fb q.. paki-add elliieehha.xi@y.c

    ReplyDelete
  58. e2 fb q...lawjet@yahoo.com

    ReplyDelete
  59. ahm, dulang anu toh? trahedya? komedya? o melodrama?

    ReplyDelete
  60. hehe ., tnx xa lhat.. nagawa ko na rin assignment ko...


    ...bhebz baluyot...

    tnx ma'am constantino.. and 1-10.. luv u all..

    ReplyDelete
  61. ..kulang ..hnd kumpleto ... ^^
    .>>>>>>>>>>> klhati lng yan ,,.. ^^

    ReplyDelete
  62. saLamat at natagpUan kuH din toh ..
    harhar ..aSsignment kxeH namin ii..
    hehe


    sHeMisH Of 3-1

    ReplyDelete
  63. Salamat po sa nag-post nito.
    Thank you po talaga kasama po kasi sa test namin ito :)GOD BLESS

    ReplyDelete
  64. abo ba yan ang panget wlang buod ! useless

    ReplyDelete
  65. Salamat sa pag post :))

    ReplyDelete
  66. kaylangan q kc english summary ng sa pula sa puti meron b???

    ReplyDelete
  67. anung klaseng panitikan po ito?

    ReplyDelete
  68. pahinge po ako ng bood plssssssssssssss

    ReplyDelete
  69. ahm.. ako din po. kailangan ko po ng BUOD..

    ReplyDelete
  70. .. yeah good to ,, it works im done na sa assignment koh ,, super thnxxx

    ReplyDelete
  71. anong klaseng dula po ba to? melodrama? komedya? or what? thanks po sa sasagot

    ReplyDelete
  72. ang galing ah....tnx..at hindi na ako mahihirapan gumawa ng skript.....hahaha..
    God bless sa nag-post nito...

    ReplyDelete
  73. nasa libro nmn yan mga TEH/DRE !!!
    s librong "TANGLAW SA WIKA AT PANITIKAN III"
    nsa page 164 - 175
    wala po b kaung mga libro ???

    ReplyDelete
  74. thanks po! ur such a bbigg help!
    TTHANNK YOOUU AND GODBLESS!

    ReplyDelete
  75. parang ewan lang???kulang-kulang.........haisxt !!!!!

    ReplyDelete
  76. walaa po bang english?

    ReplyDelete
  77. kelangan ko po kase english ee. pero kung wala po salamat nalang po! :D

    ReplyDelete
  78. i rereport po namin 2 sa filipino plss help po....
    wala po kasi akong makitang buod ni2 ehh....

    ReplyDelete
  79. thanks s ngpost,kya lng wla b kau nung mga simbolismo? yun ang kelangan q sa homework q eh, pro kung wla thnx p dn.

    ReplyDelete
  80. ANG GANDA NG STORY NIYA. MAY MORAL LESSON KANG MAKUKUHA. HAHAHAHAHA:)

    ReplyDelete
  81. pahingi naman po ako ng 2 pang dulang komedya plz tenks paki send po sa email ko.. caryll_jessica@yahoo.com
    salamat ulet

    ReplyDelete
  82. am tanong lng po ano poh bang teorya i2

    ReplyDelete
  83. tnx sa pagpopost....:D...nktulong cia ng mrmi....:D

    ReplyDelete
  84. tnx for posting this. you provided a great service to all students who are assigned to read this play. God bless...

    ReplyDelete
  85. hahaii .. salamat talaga .. may report na ako .. hehhe. hate talaga namin ung teacher namin sa filipino .. palagi na lang BUOD BUOD BUOD .. hahaii buhay. pero okey lbasta't malaki yung grades namin.. hehhe ..

    ReplyDelete
  86. pre ano ang
    lugar
    oras
    kondisyon
    mood/atmosphera
    kondisyon ng panahon
    panlipunang kondisyon

    ng kwentong ito?

    thank you very much

    arigato kozaimas

    ReplyDelete
  87. WOW TNX a lOT

    JeiCee01@fb.com

    ReplyDelete
  88. WLA BANG BUOD NYAN DI KO KASI MAKITA EH!!!!

    ReplyDelete
  89. WALA BANG BUOD NYAN?
    ANG HABA KASI EH PAG PINA PRINT ANG MAHAL

    ReplyDelete
  90. salamat sa nag post nito ngaaypn meron na po akong assignment sa Filipino

    ReplyDelete
  91. thankz pfu at s wkas my ass nrin aq heheheh

    ReplyDelete
  92. yes! mai takda rin sa wakas! ahaha.. thanks po! sana kompleto po ito hehehe ..



    twitter pls follow chaNalHaBcOe_11

    ReplyDelete
  93. thank you so so much .
    well be having a lesson about it on Tuesday .

    ReplyDelete
  94. salamat po...
    may assignment din..!

    ReplyDelete
  95. ano ba ang mga pagunahing suliranin nito,a?

    ReplyDelete
  96. thanks!mai assign. na me

    ReplyDelete
  97. erika lovely- my assignment na tayu 2- ruth

    ReplyDelete
  98. hay.....sarap sa buhay itong pinos mo hahahahha..............^_^
    ^^

    ReplyDelete
  99. need lhan po pls... :)

    ReplyDelete
  100. hahahahahh tpus na gawa na din
    ang hba alang

    ReplyDelete
  101. .waLa pu bng buod ni2??

    ...


    crism14@facebook.com

    ReplyDelete
  102. akala buod hindi naman pala :(

    ReplyDelete
  103. ang boud ba ay summary ng story????

    ReplyDelete
  104. thank you vwery much :)) helped me a lot for our script <3

    ReplyDelete
  105. ano nga po ba suliranin ng akda sa pula sa puti?

    ReplyDelete
  106. tnx sa pagpost..topic po kc namin sa research paper :)

    ReplyDelete
  107. hi eow sa mga II soc 2 nabua

    ReplyDelete
  108. tnx dito dahil tunay at sadyang napakalaki ng naitulong nito sa amin :)

    ReplyDelete
  109. thank u my project na ako

    ReplyDelete
  110. THANKS PO SA NAG POST NITO !!GODBLESS ! :)

    ReplyDelete
  111. wala po ba itong buod ?

    ReplyDelete
  112. great!!! we were told to make a pagsusuri with this story using the theory of literature... is teoryang realismo is the right theory for this?

    ReplyDelete
  113. yes babbern!!!!! may assignment n sa filipino..... salamat >>>>>......

    ReplyDelete
  114. meron n me comicstrip i just cut it<..>

    ReplyDelete
  115. thanks sa inyo ????

    ReplyDelete
  116. bakit po ba pinamagatan itong sa pula sa puti?

    ReplyDelete
    Replies
    1. kac po sa sabong diba may sumisigaw kapag kinukuha ung taya kung saan sila tataya ...
      diba it's all about sabong ...
      kaya un ung title ...

      Delete
  117. thx pOoh sA inYu nAgAWa koO nA rIn aNG PROJECT kOoh..
    .
    .
    .
    :)

    ReplyDelete
  118. wala bang buod? d2?

    ReplyDelete
  119. walang buod. Mas maganda sana pag meron para mas madaling maintind ng lahat

    ReplyDelete
  120. ayeeehh . pang assignment nii . ahah .. salamat

    ReplyDelete
  121. maaari po bang malaman ang kabuuang impo rmasyon ukol sa varayti ng wikang ginamit sda dulang ito? salamat.

    ReplyDelete
  122. may english version po ba??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Slamat dn huh! nkalibre 2loy kmi ng type! Ang haba kc!!Thanks!

      Delete
  123. hindi ba napagod ung nag-post nito? ahe.. galing :))

    ReplyDelete
  124. salamat po sa post mo. Gagawan kasi namin itong pagsusuri sa LIT 102 major namin..

    ReplyDelete
  125. salamat sa gumawa nito...nakatulong sakin:]

    ReplyDelete

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?