Search for Fillipino Article
Custom Search
Friday, September 26, 2008
Luha Ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
Kagagaling ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong Putin. Dinalaw ni Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya Leona.
Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.
Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong.
Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka.
Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka.
Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.
Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande.
Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.
Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande.
Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong.
Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw.
Isang gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni sedes kay Bandong.
Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila , si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado nang maatake. Si don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong at tiniyak ng Superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ng mga bata.
Namanhikan si Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?
wow astig... gling mo pre... thanks... ang laking tulong nito... \m/
ReplyDeleteTnk dahil nakita ko tong hinahanqp ko
Deletenice.....
ReplyDeletenice ayus to pwede yung iba pang akda!!!!!!kc un ung mas kailangan eh!!!!plzzzzzzzzzz!!!!
ReplyDeleteahh kua pati ung review ng mga katulad nitong akda dapat kasama na d2 para madali maghanap!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!ung nasa loob o ung flow ng story hindi ung name!!!!!!ok
ReplyDeleteang haba pero okei na den! sana super buod na lang bwahahahahaha...
ReplyDeletewawawawawowwwwwww.... tnxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
ReplyDeletesalamat poh sa buod nah toh!! laking tulong toh para sa pagsusuri nmin... gling mu poh kuya.. u'r da best!!
ReplyDeleteahm, pede gawa k n din nung pagsusuri??haha.. slmat
ReplyDeletemaraming salamat pare ,,,
ReplyDeletemalaking tulong to,, !!!
thank you very much! this is such a great help for me :)
ReplyDeletekuya sana magkita tayo hangga ako sayo!
ReplyDeletelove u kuya!
tnx po....knina p ako hanap ng hanap eh...buti meron dto...tnx...:P
ReplyDeletesalamat .. nkahanap din .. hehe
ReplyDeletethanks poHHH
ReplyDeletethank you po sa buod
ReplyDeletetnzs sa buod
ReplyDeletethank you for the summary...
ReplyDeleteI hope that you'll continue helping other students like me..
hay buti n lng nkita q n
ReplyDeletehay salamat xah inyo
ReplyDeletebig help tnx :)
ReplyDeleteang gLng muH! tHank yOu toL!!!!
ReplyDeletesalamat po ng mrami. mlaking tulong po ito.
ReplyDeleteGodbless! :)
ayusz huh hehehe :)) may ass na ko tnsz kuya :) gbu!!
ReplyDeletemarami pa bang iba??????
ReplyDeleteNapakagandang istorya.........Sumasalamin sa totoong buhay...
ReplyDeleteNapakapanget na istorya...kupalin
ReplyDeleteHoy Wag naman Ganyan. pARANG bastos ka ah. pa itot kta kay brendan eh
ReplyDeletei need full story of luha ng buwaya!!
ReplyDeletenice one. finally last minute na to. thanks may ganto
ReplyDeleteNce one thank you last minute ko na to gawin anung oras na o. thank you talaga may mga ganto
ReplyDeletekulang pa po yan....mahaba poh...
ReplyDeletehelloooooooooooooo
ReplyDeletethanks my nakuha ako pang project ng sis ko,,,franz
ReplyDelete. 'thank's poh.. nagkameron ako ng assignment sa Filipino nmen. !
ReplyDelete. 'ang laking tulong poh nitong kuwento nah ito. thank's poh sa gumawa nito.!
ReplyDeletetenkyow po.ayuws na din to. =)
ReplyDeletethank you po sa gumawa nito ^_^ at nakagawa ako ng ass. sa filipino, thanks a lot sana madami pa kayong magawang ibang story...
ReplyDeletethank you sa paggawa ng buod nito. laking tulong sa ginagawa kong homework!! salamat!!
ReplyDeletesalamat sayo ginoong amado hernandez,ngawa q ang assignment q
ReplyDeleteano po ba mwan ng nakailak?
ReplyDeletenc1 !! maraming salamat sa 2long hehe :)
ReplyDeletethank you very much about this ..
ReplyDeletenagawa ko ung activity ko .. thank you tlga ..
salamat sa nggawa nito
tenks po sa gumawa nito..!!! magagawa co na din ung homework ko..!!! salamat ulii..!!:))
ReplyDeletewala po ba ung buo nito as in yung buong nobela kailangan ko po kasi talaga eh kung mabasa nio po to pa email nalng po sakin pls
ReplyDeletehango yan sa 22ong buhay dibah?
ReplyDeletewala ba yung nobela talaga ? as in ung buong kwento?
ReplyDeletebumili ka ng LIBRO !
ReplyDeletethanks sa paggawa nito this is very heplful !
ReplyDelete:)
HABA ah.... buod b tlga toh??? =] peace
ReplyDeletemaikling kwento po ba ito?
ReplyDeletetnx ngwa q assign. q...........
ReplyDeleteay bakit kapareho? http://www.talkqueen.com/buod-ng-quotluha-ng-buwaya-quot-ni-amado-v-hernandez-nobela-q104345
ReplyDeleteAng ikli naman, mahaba po kaya yan no!!!!!! peace po!
ReplyDeletehttp://khuletzslapshock31.blogspot.com/2008/09/luha-ng-buwaya-ni-amado-v-hernandez.html
ReplyDeletethanks sau kung cnu ka man.. di mo ako pinahirapan sa paghanap nito! :) thumbs up !!
ReplyDeleteSalamat kua.... meron na kong assignment!!!
ReplyDeleteOkay na toh. Kelengan ko yung original copy. Bawal ang buod-buod samin.
ReplyDeleteAstig!!! Nakatulong rin to kahit papaano sa sanaysay ko .. hehe
ReplyDeleteSolomot po may Homework na rin :D
ReplyDelete