Search for Fillipino Article

Custom Search

Monday, January 26, 2009

Ang Pagsubok ni Patrick B. Hernendez

Eto ang una kong Maikling kwentong gagawin, haha, kasi nman requirement namin ito sa filipino 102, ayan, mejo nahihirapan ako kaya si Patrick nalang ang pinaggawa ko. ako pa, haha, lakas ko dun,, kahirap eh.. hahaha

"Sinasabing ang buhay ay pakikibaka. Sa mahabang paglalakbay patungo sa katuparan ng mga pangarap ay maraming hadlang upang makamit ang tagumpay. Maraming pagsubok ang nakaabang, kayat kailangang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa."



"Inaakala kong hindi ko na makakaya, pero nagkamali ako"

Si Matt ay isang anak ng dating nanunungkulang pangulo ng ating bansa. Maaga siyang nangulila sa pagkawala ng kanyang ina dahil sa mga krimen sa ating bansa.Mula pagkabata ay sila lang dalawang mag-ama lang na sa Pado ang magkasama, at mula rin nito ay lubos ng humahanga si matt sa kanyang ama dahil sa taglay nitong katapatan at dedikasyon sa kanyang tungkulin.Subalit kahit kailan may hindi pumasok sa kanyang isipan na sundan ang mga yapak ng ama dahil sa takot at kawalan ng tiwala sa kanyang sarili. nagkaroon lamang ng isang napakalaking pagbabago nang.
Nagsimula ang am ni Matt na si Pado na tumakbo sa panunungkulan, una sa pinakamababang tungkulin. Naging konsehal muna siya ng kanyang barangay sa Poblacion Muzon. Ang dedikasyon niya ay higit pa kaysa sa kanilang kapitan. gusto niyang matuwid ang nalilihis na direksyon sa pananaw ng mga tao tungkol sa pulitika. Sa mga panahong ito unti-unti pa lamang lumalaki ang kanyang anak na si Matt. Mula noon ay namulat na si Matt ang anyo ng pulitikang tumatakbo sa kanilang bansa-kasalanan na gustong mabago ng kanyang ama. Kasabay ng pagpasok ng ama ni matt sa pulitika ay naging ganoon din kabilis ang paglaki ni Matt. Si Matt ang nagsisilbing inspirasyon ng kanyang ama upang matamo ang pangarap niyang pangulo. Alam ni Matt ang matinding pangarap na ito ng kanyang ama. Isa nga sa nakakagalak na pangyayari sa buhay ni Matt ay ng tumakbong kapitan ang kanyang ama at siya ang namigay ng tarheta nito sa mga tao, na naging dahilan upang maging kilala siya sa kanyang barangay.
Muli ay nanalo si Pado sa pagkakapitan lahat ng bisyo at sugal ay nagawa niyang maalis. Dahilan ito upang makilala sa ibang mga bayan. subalit sa kabila nito hindi siya lubos na nasiyahan. Ninais niya na sumunod sa kanyang mga yapak ang anak na si Matt.Subalit kailanma'y hindi niya ito nakitaan ng pananabikna pumasok sa pulitika dahil sa takot at kawalan ng tiwala nito sa kanyang sarili.
Si Matt ay gaya pa rin ng kanyang ama, matalino, masipag , matiyaga na angkop para pumasok at sumunod siya sa yapak ng kanyang ama. Ang kahinaanlang ay takot siya sa mga bagay bagayat hindi siya marunong magtiwala sa kanyang sarili. Ang lamang niya ay mag-aral ng mabuti dahil sa inaakala niyang maaring mapasaya ang kanyang ama subalit mali ang kanyang iniisip. Gayundin ay wala siyang pinararaang babae sa kanyang buhay dahil sa inisip nitong makakadagdag lamang siya sa ng problema.
Naging mabilis ang paglipas ng panahon, kasabay ng pagbilis ng pag-angat ng katungkulan ng kanyang ama. Dahil nga sa taglay na katungkulan ng kanyang ama ay naging kilala ito sa buong bansa, maging ang kanyang anak na si Matt na lagi niyang kasama.Ngayon ay abot kamay na ng ama ni Matt ang kanyang pangarap, ngayon ay tumapak na siya upang tumakbo sa pagkapangulo. Hindi labag sa kalooban ni Matt na maraming ginagawang pandaraya ang magiging kalaban ng kanyang ama sa pulitika at alam din niya na kaya tumakbo ang kanyang ama sa pagkapulitika ay upang maituwid ang gobyerno sa maraming katiwalian dito. Minsan ngay pinagsabihan ni matt ang kanyang ama na wag nang ituloy ang laban, subalit labis siyang humahanga dito ng buong tapang siyang sinagot nito na itutuloy niya ito. Sa haba ng panahon na lagi siyang kasama sa laban ng kanyang ama ay tila pumasok na rin siya sa pulitika. naranasan na rin nilang matalo dahil sa pandarayang ginawa sa bilangan, namili ng boto ang kanyang kalaban na naging dahilan ng pagkatalo nito. Natakot si Matt na muli itong magyari. Labis siyang nagdaramdam pang matalo ang kanyang ama. hindi naman nagkulang ang kanyang ama na paalalahanan ito na talagang ganoon, subalit ang takot ni matt ay hindi nawawala.
Sinamahan ni Matt ang kanyang ama simula umpisa at hindi niya ito iniwala hanggang sa "Pado Herriola is our new Presedent"
Napakasaya ng kanyang ama dahil sa wakas ay naabot na niya ang kanyang pangarap na naging pangulo ng bansa, hindi siya natatakot sa kanyang kalaban na alam nilang nandaraya at pumapatay kung kinakailangan. Ganoon din at labis na nagagalak si Matt sa mga pangyayari.
Laging inaalala ni Matt ang kalusugan ng kanyang ama dahil na rin sa may katandaan na ito. Lumipas nga ang isang buwan ng panunungkulan ng ama ni Matt nagkaroon ng malubhang sakit na naging dahilan upang magbitiw ito sa kanyang panunungkulan. Labis ang naging kalungkutan ni Matt. dito ay harapang sinabi ng kanyang ama na ipagpayuloy ni Matt ang kanyang nasimulan. Ang kalungkutan kanyang naramdaman ay nagpausbong upang ituloy ang laban ng kanyang ama na hindi man lamang niya naisip na mangyayari sa kanya.
Sa gitna ng kanyang kalungkutan ay biglang pumasok ang isang babaing nagngangalang Ging sa kanyang buhay. Si Ging din ang naging dahilan upang natutunan niyang magtiwala sa kanyang sarili. Sa haba ng kanyang pinagdaanan ay hindi inaakala ni Matt na magmamahal pa siya. Sa Maikling panahon ay natutunan nilang magmahal sa isat-isa. Bunga nito ay nawalan ng takot sa dibdib ni Matt dahil ngayon ay may inspirasyon na dumating sa kanyang buhay upang sundan ang yapak ng kanyang ama.
Kasabay rin nito ay naging mabilis ang paggaling ng kanyang ama dahil din sa pagbabago sa ilan sa mga katangian ni Matt.
Nang nagbitiw ng panunungkulan ang kanyang ama ay nasaksihan niya ang marahas na pamumuno sa gobyerno. Naging laganap ang krimen at kurapsyon maging nga patayan sa kanilang bansa. Halos ang buong pulitika sa bansa ay nahaluan ng karahasan . Tumagal din ng halos 3 taon ng paghihintay ni Matt, hanggang ang sa muling halalan ay dumating.
Kasama ni Ging ang kinaharap ni Matt ang kanyang mga takot. Ngayon ay desidido si Matt na sundan ang yapak ng kanyang ama dahil na rin sa mahabang pagsama ni Matt sa kanyang ama sa pulitika ay nakilala siya bilang huwaran, matiyaga, mabuti, mapagkakatiwalaan at alam niyang hindi siya masyadong nahihirapan sa kanyang pagtakbo. Dahil dito napagdesisyonan man niyang tumakbong pangulo upang maipagpatuloy ang naudlot na panunungkulan ng kanyang ama. Nasambit ni Matt sa kanyang sarili na "gagawin ko to alangalang sa ama ko at sa taong mahal ko para sa kapakanan ng lahat ng tao". Hindi ginamit ni Matt ang anumang pandaraya sa kanyang pagtakbo, lumaban siya ng malinis ang kalooban, kasama ang mga taong nagpapalakas ng kanyang kalooban.
Halos napaiyak si Matt ng lumabas ang resulta ang eleksyon. Hindi siya makapaniwalang siya ang nahalal na pangulo. Ngayon ay napatunayan niya sa kanyang sarili na makakaya niyang gawin ang isang imposibleng bagay na inakala niyang hindi niya magagawa. Maging ang kanyang ama ay napaiyak sa galak, anlam nito ang taglay na potensyal ni Matt upang pamunuan ang bansa, alam niyang magkakaroon na ng kalinisan ang pulitika at mawala ang mga korupsiyon na naiwan ng natalong presidente. Ang takot ni Matt na pumasok sa pulitika ay ngayo'y isang alaala na lamang.
Sa araw ng proklamasyon ni Matt, kung saan nangako siya sa kanyang tungkulin, sa harap ng lahat ng tao, ay doon din naman niya niyayang nagpakasal ang kanyang kasintahan na si Ging na isa ssa nagsisilbing inspirasyon niya. alam ni Matt kung anong klaseng buhay mayroong sa pulitika hindi na siya natatakot dahil maraming tao ang nakaagapay sa kanya. Sa mga araw na ito ay tila ang hindi malilimutang sandali sa kanyang buhay. Higit kaninu man si Matt ang naging pinakamasayang tao nang araw na iyon.Sa araw di ito ay binigyan ni Matt ng parangal si ging at ang kanyang ama na naging dahilan upanag matuto siya sa buhay.
Sa taon ng kanyang panunungkulan ay nawala lahat ng krimen, korupsiyon at nagkaroon ng kalinisan sa loob ng gobyerno.
Halos umikot ang buhay ni Matt sa pulitika kasama ang kanyang ama at si Ging ang kauna unahang babaeng minahal niya.
Ngayon at kasarado na natin ang libro ng kabanata sa buhay ni Matt sa kasabihang,
"Losser Let things happen, Winner Make things Happen"

2 comments:

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?