Search for Fillipino Article

Custom Search

Saturday, January 24, 2009

Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez

Akoy ipiniit ng linsil na langi
hangad palibhasang diwa koy pilitin,
katawang marupo, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na;t maihiin ay supil

Ikinulong ako sa kutang malupit;
bato bakal punlo, balasik ng bantay:
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay

Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha ,
maramot na birang ng pusong may sugat
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’y walang makalapit
sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kalakaladkad ng paanang madugo,
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong inilwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat--may takas!--at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang limang batingaw,
sa bitayang muog, may naghihingalo

At ito ang tanging daigdig ko ngayon--
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batitis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay . . .
layang sasalubong ako sa paglaya!

Bartolina ng Muntinlupa
Abril 22, 1952

12 comments:

  1. may iba sa tula tska ung tula po sa libro namin.

    ReplyDelete
  2. mali mali naman ung nkalagay d2.....

    ReplyDelete
  3. ang tangan naman nung nag type!!!

    ReplyDelete
  4. pls. send the meaning of the ff. 'tayutay' words:
    linsil,supil,balasik,birang,muog,atungal,yungib,tanikala,lunnga,punlo,batingaw,mapipigtal,vatitis,paniniil,bastilya

    ReplyDelete
  5. paki spell naman ng mga words ng tama, bk magalit ang author dahil nirevise na ang ilang words or mali ang spelling.

    ReplyDelete
  6. PWEDI PO BANG MAG ENGLISH NALANG KAYO? DI NYO BAGAY!

    ReplyDelete
  7. pede pu bang palagyan yan ng buod....? kylngan ko eh.... hahahaha.....

    ReplyDelete
  8. bakit ang title isang dipang langit?? pwede paki explain??

    ReplyDelete
  9. iba po talaga.. pewo okz sa info

    ReplyDelete
  10. kung mapapansin nyo po sa ibang taludtod ay may 13ng pantig pero mas napabuti iyon para sa mas ikagaganda ng daloy ng mga pangyayari... ito po ay kuwento ng isang bilanggong ipiniit nang walang kasalanan dahil siya ay napagkamalan lang...

    ReplyDelete

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?