Search for Fillipino Article
Custom Search
Thursday, April 2, 2009
Ang Kuwento ni Tita by tbdtbd925
Si tita ay isang katulong sa isang naaangat na pamilya sa aming bayan. medyo maliit na babae, kayumangging kaligatan, mahaba ang buhok, magiliw at masayahin at me hitsura. katunayan ay maraming nanliligaw din at nagpapalipad-hangin.
ang bahay na pinaglilingkuran ni tita ay gawa sa kawayan at kahoy at pawid gaya ng karamihan, at karaniwan din ang pagkakagawa. ang naiiba lamang dito, me dalawang punong akasya sa harap nito at ang likod at nasa inukang bundok. alalaong baga, naiipit ang bahay sa kalsada na may dalawang akasya at uka ng bundok sa ginawa para mapantay ang pagkakatayo ng bahay.
isang gabi, nagluluto si tita sa kusina nila na nakaharap sa bundok nang me lumipad papasok na bato sa kusina. di naman malaki ang bato, gangga-holen lamang pero pumasok sa pagitan ng sala-salang kawayang pampigil sa pagpasok ng pusa (at tao na rin syempre) sa itaas ang dinding ng kusina. gumulong ang maliit na bato sa sahig na kawayan, at tiningnan lamang ni tita iyon. pamaya-maya ay naulit uli, at dalawa nang bato ang pumasok.
ang ginawa ni tita ay tinapos agad ang pagluluto at lumabas na ng kusina. di na naulit ang pambabato, kaya naghain na siya at kumain na silang lahat. di na isinumbong ni tita sa mga amo ang pangyayari.
gayunman, nang sumunod na gabi, ay muling may nambato sa ganoon ding paraan, nguni't mas marami na ang mga bato. tumakbo si tita sa labas at ikinuwento na sa amo ang nangyari. ang ginawa nila ay nakiramdam, at nang maulit ang pambabato ay sinugod ng amo niyang lalaki ang likuran ng bahay upang mapagsino ang nambabato. wala siyang nakitang tao. ni kaluskos ng tumatakbo ay wala siyang narinig. kaya lumayo siya ng kaunti sa bahay at nagbantay, nguni't wala nang nambato uli. naging palaisipan sa pamilya ang mga pangyayari.
nguni't nang makaitlong gabi, habang nagpiprito si tita sa kusina, umulan ng bato papasok. takbo si tita palabas sa sala na namumutla, dahil sumunod sa kanyang kilos ang mga bato at tinamaan siya ng ilan. pumapasok ang mga bato nang tila lalampas sa kanya, pero aarko pabalik ang lipad nito para tamaan siya. sa katunayan, ilang pirasong batong humabol sa kanya ang bumagsak pa sa sala, na pinulot naman ng isang maestrong nandoon upang makibantay din. inilagay ng maestro ang maliit na bato sa kahon ng posporo at ibinulsa. muli, takbo ang amo ni tita sa likod-bahay dala ang flashlight at itak, nguni't wala din siyang nakita at naramdamang tao o anuman.
lumayo ang lalaki at nagmatyag sa likod-bahay. nang maramdaman niyang bumalik si tita sa kusina, naging alisto na siya, at kitang-kita niya kung paano na ang mga batong maliliit ay lumilipad ng tila kusa lamang, papasok sa kusina nang hindi man lamang tumatama sa nakaharang na mga pirasong kawayan, gayong maliliit ang mga butas nitong pampigil sa pagpasok ng pusa. at namangha siya nang makitang walang nambabato, subali't may batong ibinabato! mabilis siyang lumapit sa pinanggagalingan ng mga bato, pero wala talagang tao! pumasok na lamang siya ng bahay na namamangha at kinikilabutan.
naging usap-usapan sa lugar ang mga pangyayari, dahil kahit na ang batong nasa loob ng kahon ng psoporo at bulsa ng maestro ay nawala ng walang gumagalaw or kumuha sinuman sa kanila sa pamilya! gayundin ang mga batong ibinato sa loob ng bahay: nawala ng hindi nililinis ninuman!
upang malinawan ang mga pangyayari, kumausap sila ng isang albularyong kararating lamang mula sa kabilang bayan, at ito ang nag-imbestiga kumbaga. napag-alamang ang nambabato pala ay mga duwendeng nakatira sa bundok, at nais makipag-kaibigan kay tita. tinatawag nila ang pansin nito sa pamamagitan ng pagbato sa kanya.
pinakiusapan naman ng albularyo ang mga laman-lupa na huwag nang gambalain si tita, dahil hindi siya maaaring makipag-kaibigan sa kanila. aniya ay hindi nila kauri si tita at matatakot lamang ito sa kanila. napahinuhod naman ang mga duwende, at mula noon ay di na naulit pa ang pambabato. pagkaraan ang maikling panahon ay umalis na rin si tita sa paglilingkod sa bahay na iyon, at nangibang-bayan. malaon ay di na rin namin nabalitaan ang kanyang kanyang naging kapalaran.
ang kuwento ni tita ay matagal ding naging paksa ng mga kuwentuhan sa bayan namin. ang mga hindi naniniwala ay itinuturo lamang sa maestrong nagpapatunay na nawala ang bato nang hindi kinukuha sa bulsa at kahon ng posporo. dahil lubos na iginagalang pa ang gma maestro noon, di mapasubalian ang kanyang salita sa bagay na iyon.
matagal nang nangyari ang kuwento ni tita, namayapa na rin ang kanyang amo, at matagal na ring nakatayo ang bagong bahay ng pamilya. subali't ang kuwento ni tita ay naaala ko pa rin minsan-minsan tuwing makikita ko ang bundok sa likod at ang natirang akasya sa harap ng bahay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?
No comments:
Post a Comment