Search for Fillipino Article

Custom Search

Saturday, April 24, 2010

KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese



Japara, Mayo 25, 1899


Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.

Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong kanluran.

Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong iniisip gabi’t araw kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?

Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.

Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla.

Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.

Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.

Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong banding huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.

Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.

Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.

Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo” nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.

Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.

At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?

Tuesday, April 20, 2010

WIKA - KAHULUGAN, PINAGMULAN


Wika


Katuturan


Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”

Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.



Kahalagahan ng Wika


Mahalaga ang wika sapagkat:


1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Katangian ng wika

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama’y sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

1. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

2. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista

Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han

Fonema = a

*tauhan, maglaba, doktora

c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible naman ang kabaligtaran nito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Hal. Mataas ang puno.

Ang puno ay mataas.

The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.

Umakyat siya sa puno.

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktot na dati’y [niya] ngayo’y [siya] sa. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa

Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)

Wikang Filipino – Opo, po

Wikang Subanon – gmangga (mangga)

Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)

Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)

Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

Halimbawa: BOMBA

Kahulugan

a. Pampasabog

b. Igipan ng tubig mula sa lupa

c. Kagamitan sa palalagay ng hangin

d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula

e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.

8. Ang wika ay bahagi ng komunikasyon.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.

10. May level o antas ang wika.


Antas ng wika


1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao
3. kolokyal o lalawiganin – wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa
4. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’.
5. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang okasyong profesyunal

Teorya ng pinagmulan ng wika
x. Teorya sa Tore ng Babel – Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
x. Teoryang Bow-wow – Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa’y ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.

x. Teoryang Ding-dong – Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.

x. Teoryang Pooh-pooh – Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.

x. Teoryang Yo-he-ho – Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.

x. Teoryang Yum-yum – Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi.

Lola: iho, ako ay isinumpa, isa akong prinsesa, ngunit kung ako’y iyong gagahasain. Babalik ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa! ..makaraan ang ilang saglit… Lalaki: ayan, tapos na. bakit hindi ka pa nagpapalit ng anyo? Lola: ilang taon ka na iho? Lalaki: 30 na ho. Lola: iyang tanda mong iyan, naniniwala ka pa sa fairytale?